Chapter 1

11.4K 367 43
                                    

Chapter 1

"Best friend kong malaki dede, nasaan ka? 'Wag mong sabihing sumusuka ka?"

Napahiwalay ako kay Rogue at saktong pasok ni Phoebe. She was appalled to see me with Rogue. Pinalipat-lipat niya pa ang tingin sa amin.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil halos mahuli kami paghahalikan. Phoebe seized my arm and gave Rogue a forced smile, who was now leaning against the wall.

She hauled me upstairs to her room. Dumiretso ako sa kama niya at pilit pinakakalma ang sarili, hindi maintindihan kung paanong nangyari iyon.

"What are you doing downstairs with Rogue? Did he do something bad? Namumula ang mukha mo!" Ipinatong niya ang mga kamay sa magkabila kong balikat. Pilit niya akong iniharap sa kanya.

We were both drunk but I could still see it clearly. Her eyes, clouded with concern and worry.

Hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Ganoon ba ang mga lalaki? Bigla-biglang nanghahalik kahit hindi nila girlfriend?

Saka ko naalala na sa Manila nga pala sila nag-aaral. Normal lang siguro sa kanya iyon. Pero lintik, ang sarap niyang humalik. Nanghihigop ang bibig niya. Nanlulunod.

Umupo si Phoebe sa tabi ko at inilipat ang mga kamay sa magkabila kong pisngi. Her eyes widened as if realizations hit her hard.

"Ragna!" halos isigaw niya ang pangalan ko.

"Sorry, Phoebe! Hinalikan na lang niya ako bigla. Please, 'wag mong sasabihin kina Papa!" kinakabahan kong sabi.

Mas lalong namilog ang mga mata niya. "What?"

So she didn't know? But it was already late, I spilled it out myself. Napakatanga mo, Ragna!

Dahil ba sa tama ng alak? Pero wala naman akong choice kundi sabihin sa kanya. Tama. Hindi gusto ni Phoebe na maglihim kami sa isa't-isa.

"I was about to ask you if Rogue said he likes you. Ganoon kasi 'yong latest ex ko. Nakwento ko sa 'yo 'yon, 'di ba? Nagkakilala kami sa inuman and that same night umamin siya sa akin na gusto niya ako."

No, Phoebe. Iba ang gusto ni Rogue. Gustong makipag-sex ng lalaking iyon sa kakikilala niya pa lang!

"O, so anong pakiramdam? Is he a good kisser?" her tone suddenly changed. She sounded curious.

Hinaplos ko ang buhok niya at mabilis na hinila ang dulo nito. Napaaray siya at nagulat.

"Akala ko magagalit ka. Magtatanong ka lang pala kung masarap!" Inirapan ko siya at gumapang ako sa kama. Binalot ko ang sarili ng comforter dahil sa paghagod ng lamig sa balat ko.

"At least, hindi ka na curious kapag nanonood tayo ng movies kung anong pakiramdam na mahalikan." Tinabihan niya ako at humarap siya sa akin. "The problem is he's not your boyfriend."

I wet my lips with my tongue and remembered how his moved in my mouth. Para na naman akong lalagnatin katulad kanina.

"Malandi ka talaga!" komento ko.

"Malandi ka rin. Hindi mo jowa nakipagtukaan ka. Ngayon ko napatunayan na best friend nga kita," banat niya at tumawa.

Pumaloob siya sa comforter at pumikit. Napatitig ako sa kisame. My first kiss was gone!

Kinabukasan ay masakit ang ulo ko pagkagising. Bumangon ako at hinanap ng mga mata si Phoebe. She was combing her wet hair, obviously just got out of the shower.

"Take a shower and I'll lend you clothes. May underwear ako na hindi pa gamit. Our problem is your bra. We're not of the same size." Nilingon niya ako at problemado ang kanyang mukha. Seryoso siya kaya natawa ako.

The Curse Where stories live. Discover now