Chapter 30

6.7K 337 49
                                    

Chapter 30

I quickly got into the car and Rogue followed me. Tumingin ako sa pinto kung saan kalalabas lang din ng kambal kasama si Phoebe pagkatapos magpakita sa mga lolo nila. Pumasok na rin sila ng sasakyan. Ibinaling ko ang tingin sa bintana, ramdam na nasa akin na ang atensyon nilang apat.

"Ragna..." Phoebe handed me a tissue. I accepted it without looking at her.

Lumabas agad ako pagkatapos ng pag-uusap namin ng parents ko, dahil kapag nagtagal ako ay baka kung ano pa ang masabi ko.

Rogue started the engine, and I could feel him glancing at me. I pressed a button, making the passenger window roll down. Sumandal ako sa upuan at hinayaan na hanginin ang buhok ko.

Papunta na kami sa bahay ni Aegeus at hindi ko alam kung ilang tao ang haharapin namin doon. Nag-init muli ang paligid ng mga mata ko nang bumalik sa isip ko ang pagtatalo namin ng Papa ko.

"Mommy?" Rainer called me from the backseat.

Pinunasan ko ang ilalim at gilid ng mga mata bago ko siya nilingon.

Iniabot niya sa akin ang bottled water. "Here, drink this po."

Tinanggap ko ito at pinilit kong ngumiti. Hindi man ako magsalita ay ramdam ko ang pag-aalala nilang magkapatid. Uminom ako at muling tumingin sa labas ng bintana.

Pumasok kami sa gate at nakita ko ang mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa loob. He parked next to a blue sports car.

Nilingon niya sina Phoebe. "Wait for us outside, Phoebe."

Hindi sumagot si Phoebe pero sinunod nito ang sinabi ni Rogue. Hinarap ako ni Rogue at bigla niyang hinawakan ang kamay ko. I looked at his hand holding mine before our eyes met.

Gusto kong bawiin ang kamay ko, pero parang kahit kaunting lakas lang para gawin ito ay wala na. Pakiramdam ko, ubos na ubos na ako.

"Tell me when you're ready."

Lumunok ako at iniwas ang tingin. Hindi ako nagsalita hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas na bawiin ang kamay ko at lumabas ng sasakyan.

Nilingon ako nila Phoebe at lumapit ako sa kanila. Halona held my hand while staring at me.

Tinanguan kami ni Rogue at sinundan namin siya papasok ng bahay. We went into the living room where his family was waiting. Nagtama ang mga mata namin ng babaeng malaki ang pagkakahawig sa katabing si Hawk Agrezor. And the moment she turned her head to Rogue, I recognized who she was.

"Mama," he started.

Mas tumindi ang kaba ko. She still looked young and no one would think she was their mom. Alagang-alaga ang kutis at itsura. Hindi na nakapagtataka kung bakit ganito kagwapo ang mga anak niya.

"Ragna," tawag sa akin ni Rogue. Hindi ko alam na natulala na pala ako. "She's Dawn Agrezor, our mom," he introduced the woman to me. Bumaling siya sa mama niya at hinawakan ang braso ko. "Mama, she's Ragna, my ex-girlfriend."

Lumapit sa amin si Mrs. Agrezor at inilahad ang kamay sa akin. Nagdadalawang-isip ko itong tinanggap.

Iginiya ako ni Rogue paupo sa tapat ng mga Agrezor at napatingin ako kay Aegeus na katabi ang girlfriend niya. Binigyan ako ng nakakagaan sa pakiramdam na ngiti ni Amity.

Ibinalik ko ang tingin kay Mrs. Agrezor na nakaupo na rin. Her eyes were fixed on me, which made me feel really uncomfortable. I never had the chance to see her before, even when Rogue and I were still together. She looked so elegant with the way she moved. Idagdag pa ang pananamit niya at kung paano siya tumingin. She dressed to perfection with her gathered white dress. Nagpapakita ang makinis niyang hita dahil sa slit sa kanang bahagi ng dress pati na rin ang gitna ng dibdib.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon