Chapter 17

6.5K 354 85
                                    

Chapter 17

"I really didn't know how he... I mean..." Phoebe couldn't finish what she was about to say.

After finding out that Rogue was there, we left right away ignoring a cloud of confusion in my twins' eyes. Tanghali pa dapat kami uuwi pero hindi ko kayang nasa iisang lugar lang siya at kami ng mga anak ko.

"Mommy... can you give me back the paper?"

I was still holding the small piece of paper, mindless of how my kids think of me for taking it away from Halona.

"Did we do something wrong again?" Rainer asked.

Tuluyan ko na silang nilingon at kita ko sa mga mata nila ang pangamba. Napalunok ako.

May takot sila sa akin pero hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. Sinulyapan ko si Phoebe na bumakas din ang pag-aalala sa mukha dahil sa tanong ni Rainer.

"No, Kuya." I did my best to control my voice. Parang mababasag na lang kasi ito bigla.

My emotions were all over the place just thinking about what just happened. Ayokong paapekto pero anak ko ang nakakita sa kanya.

"Honey, calm down," Phoebe said.

I rolled down the passenger window and let the pleasantly gentle breeze touch my skin. Somehow, it made me feel a little better.

"Talk to him later and asked him what exactly happened."

Nilingon ko si Phoebe at alam kong nakatingin pa rin si Halona sa papel na hawak ng kaliwang kamay ko. Mabilis ko itong itinago sa bulsa ko at saka ko siya tiningnan. She averted her eyes and bit her lower lip, controlling her emotions.

Nakatulog ang dalawa sa likod pero ako ay ginugulo pa rin nang nangyari.

"Let's eat somewhere close? Resto?"

Umiling ako. "Diretso na tayo sa bahay."

"Okay. Ako na lang ang magluluto ng lunch."

Pagkarating sa bahay ay tinawag ko ang dalawa. "Kids, wake up! We're home!"

Bumaba ako at binuksan ang pinto ng back seat. Nagkukusot ng mga mata si Halona na bumaba ng sasakyan. Si Rainer ay nakatingin lang sa akin, halatang nangangapa pa rin.

It was a half past eleven so I knew they were hungry already. Walang tao sa bahay dahil ang alam ng parents ko ay gabi pa kami makakauwi.

"Talk to them now. Ako nang bahala sa lunch." Phoebe squeezed my arm and gave me a reassuring smile before going to the kitchen.

Paakyat na ang dalawa sa hagdan nang nagsalita ako. "My room."

Pareho silang napatigil.

"Wait for me there."

Sinundan ko si Phoebe at busy na siya sa paghahanda ng lulutuin. Naramdaman niya ako at nilingon ako, nagtataka.

I leaned against the refrigerator, not taking my eyes off her. "Hindi mo siya nakikita ro'n?"

Inilapag niya sa counter ang hawak na carrots. "Hindi. I haven't seen him in years. Last na kita ko sa kanya ay birthday pa ng mayor ng Tanay. I think 3 or 4 years ago? I can't remember."

"Paanong napunta siya ro'n? Does he own a unit there?"

Tuluyan na niya akong hinarap. "I don't know. Should I ask Kuya Admiral about it? Maybe after all these years, they're friends again? Or kung hindi man, baka may alam siya kahit papaano tungkol sa kanya."

Napabuntong-hininga na lang ako at binuksan ang ref. Kumuha ako ng dalawang bottled water at iniwan na muna siya.

The twins were sitting on the bed quietly. Pinanood nila ako na ipinatong ang bottled water sa bedside table.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon