Chapter 23

6.9K 391 154
                                    

Chapter 23

No words came out my mouth. I was just looking at him, and feeling like I would faint any moment because of how my chest was reacting.

Wala ka na talagang kawala, Ragna.

I pulled the twins into the living area. Pinaupo ko sila sa sofa, puno ng tanong ang mga mata ni Halona. She stopped crying the moment she had recognized Rogue.

Nagtama muli ang paningin namin pero nandoon pa rin siya sa may hagdan, mahigpit na nakahawak sa banister.

"Mommy..." nanginginig ang boses na tawag sa akin ni Halona.

Naglakad siya palapit sa amin at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

"Are you their mom?" he asked, and then swallowed hard.

Nakatayo siya sa harapan namin, naghihintay na sabihin ko ang totoo.

"Answer me..." his deep voice trembled. "Please."

"Yes," I finally said.

Clenching his fist, he took a deep breath. I had never felt too much tension like this before.

"Did you have a boyfriend after we broke up?"

I shook my head.

Inilapit niya ang kamao sa bibig niya at sobra ang panginginig noon. Tears started welling up in my eyes, unable to control my emotions any longer.

Inalis rin niya agad ang kamay roon at napatingala. Madiin niyang sinuklay ng kamay ang buhok na halatang kinokontrol ang sarili.

Muli niya akong tiningnan. "Are they mine?"

Bumagsak na ang luha ko, mariin kong nakagat ang ibabang labi.

Lakasan mo ang loob mo. Wala kang dapat ikatakot, Ragna!

"Answer me."

"Yes."

His shoulders started shaking as the tears ran down his face. Bagsak ang balikat niyang napaupo sa tapat namin. Pinagdikit niya ang mga kamay at malamlam ang mga matang tiningnan ang dalawa.

Halona hugged me tighter and started sobbing.

Naiintindihan niya ang daloy ng usapan namin ni Rogue. Si Rainer ay nakatungo lang sa tabi ko, walang imik pero nanginginig ang mga kamay sa sariling kandungan.

"10 years..." halos ibulong na niya iyon. "And I'm already a father without me knowing."

Inabot ni Rainer ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan na nagpabagsak nang tuluyan sa luha ko.

"When did you know that you're pregnant?"

Tumayo ako at hinawakan ang kambal sa braso. They didn't need to hear everything. Hindi naman niya kami pinigilan.

Dinala ko ang kambal sa kwarto ni Halona at isinara ang pinto.

Binalikan ko siya. Inangat niya ang tingin sa akin.

"That day you left after spending the night together. Pagdating nina Mama, narinig niya akong nagsusuka," pag-amin ko.

Napahilamos siya sa mukha.

"The time that I was about to tell you my pregnancy was also the time that you decided to break up with me."

Inalis niya ang mga kamay sa mukha, at walang tigil ang mga luha niya sa pagbagsak.

I waited for him to shout at me, but he didn't. I knew he was still processing everything I said.

"I missed their early years, firsts, and precious moments." Tumuon ang isa niyang kamay sa table at patuloy pa rin ang panginginig noon.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon