Chapter 31

6.9K 377 86
                                    

Chapter 31

Bumalik ako sa loob, hindi makapaniwala sa nakita. I searched for the twins and spotted them in the living room with the Agrezors. Nagkukwentuhan sila tungkol kay Rogue pero agad silang tumigil nang lumapit ako sa kanila.

"Let's go," I told Phoebe and the twins. Kinuha ko ang kamay ni Halona bago sila hinarap. "Uuwi na po kami. The twins have school tomorrow."

Nagtaka ang mukha ni Mrs. Agrezor dahil sa biglang pag-aaya ko. "Ragna, stay a little longer and have dinner with us."

Tipid ko siyang nginitian. "Sa bahay na po. May kailangan din po kasi akong asikasuhin."

Napalingon kami kay Rogue na mukhang galing sa taas. "Ragna?"

Iniwas ko agad ang tingin, nakatayo na rin sina Rainer at Phoebe. "We're leaving now, Rogue."

"Can't you stay longer? Agrezors' personal chef is preparing dinner for us," he said.

Napatingin ako sa mga kapatid niya na naghihintay rin ng sagot ko.

"Mommy?" Halona squeezed my hand. "Tita Amity has not finished telling me stories of different creation myths yet."

She used her famous puppy face. Napabuntong-hininga ako at napatango na lang. "All right, baby."

Nginitian niya ako at bumalik na pakikipag-usap kay Amity.

"So about the Norse Mythos, Halona. There's this tree named Yggdrasil at the geographical center of the cosmos which unified the 9 worlds namely—"

"Nagkaintindihan ang dalawang Englishera," bulong sa akin ni Phoebe. Hinigit na rin niya ako paupo sa tabi niya. "English major pala si Amity. Ang dami sigurong nagkaka-crush d'yan na students."

Nginitian ko lang si Phoebe saka ko ibinalik ang tingin kay Mrs. Agrezor. Sinulyapan niya ako habang kausap nila si Rainer. She flashed me a sweet smile and mouthed, "Thank you."

Umupo sa tapat ko si Rogue. Inilabas ko na lang ang phone ko at binuksan ang Messenger. Gumawa ako ng group chat kasama si Phoebe at sila Georgina. Hindi ko ma-add si Phoebe sa kabilang GC dahil ang madalas na pag-uusap doon ay tungkol sa Imogen.

"Oh," Phoebe reacted while looking at my phone screen. Inilabas din niya ang phone niya at nagsimulang mag-type.

Phoebe:
Hello there, girls!

Mabilis na nakita nila Georgina at Maxine ang message.

Georgina:
Kagigising ko lang ulit. Lintik na hangover, ayaw akong tantanan!

Maxine:
Nasa bahay pa kayo ni Aegeus? Kumusta naman?

Me:
Gusto ko nang umuwi.

Phoebe:
Why?

Nilingon ako ni Phoebe, kinunotan ako ng noo.

Georgina:
What's wrong? Sinabuyan ka ba ng tubig ng mother ni Rogue sa mukha? Sinampal ka ba?

Claudine:
Hinainan ka ba ng pera para layuan mo ang anak niya?

Natawa kami ni Phoebe dahil sa kabaliwan ng dalawa. Nagpatuloy kami pag-uusap hanggang sa napagkasunduan na pupunta ulit sila sa bahay sa sabado.

"Ragna, what's their school name?" Mrs. Agrezor asked which made me stop chatting the girls.

"Solon Integrated School po," sagot ko.

Marami pa siyang tinanong at nakisali na sa amin ang mga lalaking Agrezor maliban kay Rogue. Hindi ko tuloy naiwasan na tingnan siya. Nakatitig lang siya sa akin, mukhang malalim ang iniisip.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon