Chapter 9

8.2K 338 41
                                    

Chapter 9

I rested one elbow on my desk, my knuckles under my chin while staring at the anklet in front of me. It was a cuff anklet with a tiny warrior shield near its clasp.

Thursday na pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagpunta niya sa hospital noong Lunes. And his expression when I refused to kiss him? Damn he was so hot! Seryoso lang naman ang mukha niya na pumasok sa sasakyan at hindi man lang ako kinawayan paalis.

"Uy! Ang ganda naman niyan!"

I lifted my face and saw my friends walk towards me. Mabilis kong iniligpit ang box ng anklet at ipinasok ito sa bag ko. Ibinalik ko ang tingin kay Kalina at Jara na saktong nasa harapan ko na. Sa kaliwa ko ay dumaan si Caleb at umupo sa bandang likuran.

"Hala siya? May pagtago?" natatawang sabi ni Jara sabay upo sa tabi ko. Si Kalina naman ay sa kaliwa, napagitnaan nila ako. Since wala kaming designated seats ay kahit saan namin gustuhing umupo ay pupwede.

"From a suitor?"

I turned my face to Kalina. Her brow arched while playing with her phone in her hand. Pinaikot-ikot niya iyon habang naghihintay ng sagot ko. But I didn't answer.

Her eyes sparkled with the realization of my silence. "Nagpapaligaw ka na nga?"

Excited din akong hinarap ni Jara. Good thing our other friends weren't here yet. Paniguradong pagkakaguluhan nila ako dahil na rin sa ingay nilang dalawa. Kalina and Jara couldn't keep their mouth shut whenever there was news like this.

"Who is the lucky guy? Share na!" panunudyo ni Jara at tinusok-tusok pa ang balikat ko. "Oh my! Kapag nagkajowa ka, matitira ka na rin!"

They high fived and bursted into loud and annoying laughter. Mariin akong napapikit, nagtitimpi sa dalawa. Hindi na nakapagtataka kung paano sila nagkahulihan ng ugali. Parehas na parehas silang napaka-liberated mag-isip. Tho, Jara was now single. Nag-break sila noong ex niya 2 months ago.

"Shut up, you two!" Nagmulat ako at tinapunan sila ng masamang tingin.

"Afraid that other people might hear us, eh?" An irritating smile lingered on Kalina's face. "Nursing students tayo. Madalas nga tayong mag-usap tungkol sa sex sa ibang subjects."

Napailing na lang ako. Napakakulit nila!

"Sino ang pinagpalang lalaki na pinayagan mong manligaw sa 'yo?" Jara wiggled her eyebrows, grinning like Kalina. "Gwapo ba? Masarap?"

Nagsidatingan na rin ang iba. Kumuyom ang mga palad ko, inire-ready na ang sarili sa pambubuyo ng mga kaibigan. Mas malala pa naman sila sa mga tsismosa sa lugar namin. Parang uhaw na uhaw lagi sa tsismis at kwento tungkol sa bawat isa, mapalalaki man o babae.

"Hoy! Ano't hina-harass n'yo ang bebe Ragna ko? Alis kayo diyan!" si Thomas kay Jara at Kalina.

Papaalisin niya sana si Kalina sa upuan pero tiningnan lang siya nito nang masama ay agad na siyang napaatras. Tinaas niya ang mga kamay.

"Bebe, anong ginagawa nila sa 'yo?" Thomas just turned a chair to facing me and plopped down in it.

Thomas was handsome but he was unaware of it. Laging magulo ang buhok niya, parang hindi nagsusuklay bago pumasok. Mabango naman siya, sadyang mukha lang hindi naliligo minsan.

"May manliligaw na naman si Ragna, friends! But this time, pumayag na talaga siya!" sigaw ni Kalina.

Tuloy ay nagsilapitan na sa amin ang iba naming mga kaibigan. They bombarded me with questions, but again, I didn't answer any of them. Nagkunwari akong hindi sila naririnig. Mabuti na lang ay dumating na ang una naming professor at nagsiupuan na sila sa kahit saan malapit sa akin.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon