Chapter 2

9.8K 394 68
                                    

Chapter 2

"Uuwi lang ako saglit. Nasa bahay na mamimiyesta ko," sabi ko kay Phoebe.

Kumakain siya ng buko salad at napansin ko ang bahid noon sa gilid ng mga labi niya. I wiped it off using my thumb.

"Ang aga naman ng mga bisita mo. Dapat hapon mo na sila pinapunta. Ang init pa kaya," komento niya, patuloy pa rin sa pagkain. Ang hilig niyang kumain pero hindi siya tumataba.

Tumingin ako sa labas at totoong sobrang tirik ang araw. Nakakaawa ang mga banda na umiikot sa bawat barangay. Sa laki ng mga instrumento ng ibang musiko at sa maiikling suot ng majorettes ay tiyak na nahihirapan din sila sa init. Pero okay na rin ito kesa naman maulan. Mapupurnada ang pagpunta ng mga mamimiyesta at mga kaganapan sa bayan.

Kanina ay nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na mag-hi at makausap ang parents nila Phoebe. Hindi na nila ako nakita kagabi dahil pagod din sila paghahanda. Nakatulog daw sila nang maaga.

"Samahan mo na lang ako kung iniisip mong hindi ako babalik dito," pangungundisyon ko.

Bigla siyang tinawag ni Admiral kaya hindi niya naituloy ang anumang sasabihin. Lumingon kami sa direksyon ng pinto at pumasok doon ang tatlong lalaki. The guys looked younger than Admiral's friends.

Phoebe excitedly jumped from her seat and ran to them. Pinisil niya ang pisngi noong mukhang pinakabata sa tatlo.

"It hurts, Ate Phoebe," angal nito at napahawak sa sariling pisngi. Mukhang nanggigil si Phoebe sa kanya.

"Napakagwapo mo talaga, Aegeus! Halika dali! Ipapakilala kita sa best friend ko. You like pretty girls, right?"

Naiiling ako habang palapit sila sa akin. Nakasunod iyong dalawa pa at si Admiral. They stopped in front of me. Inakbayan ni Phoebe ang tinawag niyang Aegeus.

"Ragna, this is Aegeus Agrezor. And Aegeus, she's Ragna, my best friend."

Kinabahan ako sa pagbanggit ni Phoebe sa apelyido nito. Inilahad ni Aegeus ang kamay sa akin at tinanggap ko iyon.

"Bunsong kapatid ni Kuya Rogue," dagdag ni Phoebe.

Aegeus was irritatingly handsome like his brothers. Maputi siya at matangkad sa edad niya.

Umupo sa harapan namin iyong dalawa pa. Ipinakilala sila sa akin ni Admiral. Rogue was the oldest among them. Sinundan ni Dash, Hawk, at ang bunso nga na si Aegeus. Walang patapon sa magkakapatid na Agrezor. Each had his own charisma.

Tumabi sa akin si Aegeus at napagitnaan nila ako ni Phoebe. Pansin ko na pare-pareho silang tahimik. Parang kapag hindi mo kinausap, hindi ka rin kakausapin.

Tumingin si Aegeus sa pwesto ng aquarium na may makukulay na isda. Nakakainggit ang kinis at puti ng balat niya. Daig pa ang babae, pero kahit ganoon ay lalaking-lalaki siya tingnan.

"Oh, you're here."

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Umupo si Rogue sa tabi ni Aegeus at inakbayan ang kapatid. Agad akong napaisod nang dumikit ang likod ng kamay niya sa balikat ko.

"Who drove the car?" Rogue asked his brothers.

"Me," Dash replied.

Si Phoebe na nasa kaliwa ko ay lumapit ang bibig sa tenga ko, may ibubulong na naman. "They're so handsome, 'no? Crush ko lahat sila kaso hindi pwede e. You know the bro codes. Malapit na rin kasi silang tatlo kay Kuya. Malas ko ba?"

"Ang ingay mo, baka marinig ka," sita ko sa kanya.

Umusod pa palapit sa akin si Aegeus at napatingin ako kay Rogue. Muling dumikit ang kamay niya sa balikat ko, pero parang hindi siya aware roon.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon