Chapter Eighty

356 18 33
                                    




22 months later





Ken



Lumabas ako ng bahay namin ng mga ka membro ko dito sa Calabasas Los Angeles at tahimik lang akong naglalakad papunta sa pool area. Nang makarating na ako ay umupo ako at isinandal ang aking sarili sa sun lounger chair at iniunat ang aking mga binti. I put my shades on at ipinikit ang aking mga mata. Napangiti ako as the sun hit my face. I thought " This is good. " .


Ang ganda ng panahon. Normal lang na mainit talaga dito sa California pero hindi naman kasing init ng Pilipinas na para bang nakakapaso. But today is different. Parang tama lang ang sikat ng araw ngayon. Hindi windy, at hindi rin masyadong mainit.


It's crazy how time flies. Magda-dalawang taon na pala since we had an international break nung nag guest kami sa The Ellen Show pero till now, parang hindi parin nag si-sink in ang mga nangyayari sa mga buhay namin.


After sa first guesting namin sa isang sikat na international talk show, we knew na ito na ang susi sa pagtahak namin sa International scene. Pero hindi naging madali ang napagdaanan namin. Maraming nag co-compare saamin sa ibang Kpop groups. Kahit sunod-sunod ang International TV guestings namin pero ni isang record label ay walang naging interesado saamin. Pakiramdam namin ay walang nakikinig sa musika namin kundi kapwa Pilipino. Napakaramaming beses ninais nalang naming umuwi at kalimutan nalang ang paghahangad na sumikat sa ibang bansa. Sa Pilipinas, maraming nagmamahal saamin. Makakasama pa namin ang pamilya namin.


Pero hindi kami tumigil. Kahit napanghihinaan na kami ng loob ay nagpursige parin kami. Gina-grab namin lahat ng opportunites na pwede kaming mag promote sa musika at talento namin untill nandito pa kami sa America.


Hindi naman natagalan at finally may isang record label na naniwala saamin. Dun na kami nagsimulang nakikilala. Unti-unting natanggap ng mga dayohan ang musika namin, ang kaibahan sa KPOP sa PPOP. From TV guestings, to US tours , and offers rushed in. In fact ngayon lang kami nagkaroon ng mahaba-habang break for almost 2 years. Actually may break naman kami in between pero mga 1-2 days lang at puro tulog lang talaga ang pinaggagawa namin. Ngayon lang kami may anim na buwang straight na break for our preparation sa first major concert namin dito sa US.


Kinuha ko sa bulsa ang aking phone and took a selfie and posted it on IG. Usually, after kong mag post ay kino-close ko na agad ang app kasi seconds palang ay sabog na agad ang notification ko. Pero nasagi sa feed ko ang post ni Angel na naging dahilan na napangiti ako. She captioned it with ' JUST GOT PROMOTED. #BLESSED ". Agad kong pinusoan ang post niya.


Matagal ko ng alam na nasa New York na si Angel ngayon dahil narin sa mga kasama ko. I think mag i-isang taon na rin. Na me-mention din kasi nila Stell paminsan-minsan. We still followed each other on IG and lately lang ito naging active but never had a chance na magkita kami ulit. Nag la-like naman ito sa mga posts at photos ko sa IG. Same thing din naman saakin. Pag nakikita ko ang mga post niya sa feed ko ay pinupusoan ko din agad naman. But Hanggang doon nalang talaga kami for some reason. Never kaming nagpapalitan ng PM or kahit nag kukumustahan man lang. Siguro dahil narin sobrang busy kami at tingin ko ay naging busy narin ito ngayon. Basing on her recent posts, ay nag ta-trabaho ito ngayon bilang isang IT Specialist sa isang malaking IT company sa New York. Hindi narin ako na surprisa dahil noon paman, I've always believed in her. Kahit noon pa ay alam ko namang matalino talaga ito. Noon ko pa alam na kung gugustohin talaga nito ay maraming opportunities para dito. Kaya hindi na ako na surprisa that she got promoted in just a short period of time.

SB19 || Love Me BackWhere stories live. Discover now