Chapter Sixty Three

564 47 22
                                    

Angel

Nandito ako ngayon sa rooftop at tahimik lang na nakamasid sa malayo habang paharap na nakasandal sa railings

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nandito ako ngayon sa rooftop at tahimik lang na nakamasid sa malayo habang paharap na nakasandal sa railings. Ilang oras na din akong nandito at kanina pa tinatanong sa sarili ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa nalaman ko .

Malungkot akong napangiti nang maalala ko na naman ang nangyari kanina.





Me: " You're joking right? " Seryosong tanong ko kay Ken nang sinabi nitong may anak siya sa ex niya. Si Stell naman ay nasa likuran nito at nakayuko lang.



Parang sasabog ang puso ko sa kaba habang naghihintay sa sagot ni Ken. Naramdaman ko din ang panginginig ng buo kong katawan. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya ako sinagot.



Ken: " It's not confirm yet. Nag hihintay pa kami sa result ng DNA. " Mahinang sagot nito at inabot ang isang kamay ko at hinawakan yun. Nasa hallway parin kaming tatlo.



Me: " So dika sigurado? " I asked him habang nakatitig ng deretcho sa mga mata niya pero yumuko lang ito at nag iwas ng tingin. " Of course hindi ka sigurado dahil may nangyari naman kasi diba? " Tanong ko ulit. " Who is this girl? Which ex is she? " Nakayuko parin ito kaya nilingon ko si Stell. " Stell? " Tawag ko sa kanya. Bakas sa expression nito ang pagka gulat . " Siya ba yung naging girlfriend ni Ken ng dalawang taon? " Hindi ito sumagot at tumango lang.



Ken: " On and off for 2 years. " Hirit nito.



Me: " Kelan lang to Ken? And when are you planning to tell me? " Baling ko sa kanya.



Hinila ako nito papuntang common living area ng floor namin. Si Stell naman ay obvious na hindi alam kong susunod ba samin o de-deretcho nalang sa unit nila.

Nagpakawala muna si Ken ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.



Ken: " Nalaman ko lang before kami nag start ng Nationwide concert namin. Nung  nandoon tayo sa rooftop at pilit akong pinapauuwi ni Sejun dahil dumating sina Sir Robin? Nakarating sa management ang balita na may anak ako sa ex ko. Deadma lang din ako kasi alam ko namang wala. Pero si Lei... Kino confirmed sa social media accounts niya na ako daw ang ama. Si Sir Robin nag suggest na ipa DNA test. "



Me: " What happened? " Mahinahong tanong ko sa kanya habang nakatitig lang sa mukha nito.



Ken: " 3 months pa ang result. " Parang pabulong na sagot nito at hinawakan ang kamay ko. " I don't wanna tell you yet kasi nga hindi pa naman sigurado. "



Me: " Then why did you tell me then? At ba't sabi mo anak ninyo? " Tanong ko ulit pero hindi ito sumagot at yumuko lang. " Ba't may pakiramdam ako Ken na parang gusto mong maging ama ng bata? "



SB19 || Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon