Chapter Thirty Nine

512 54 10
                                    

Josh



Katatapos ko lang maligo at tinutuyo ko ngayon ang aking buhok gamit ang towel. Binuksan ko na ang pinto ng CR at pumasok agad si Stell nang makalabas ako. May dala itong isang bag na puno ng skin care products habang nasa isang balikat naman nito ang towalya nito.


Si Sejun naman ay maagang gumising kanina as always kasi umuwi ito sa kanila kasi one week ang rest day namin ngayon.

Si Jah naman ay nasa sofa ng sala namin busy sa kong ano mang ginagawa nito sa phone nito. Si Ken, tulog pa as usual.


Naglakad na ako papuntang kwarto namin at nilagpasan ang kwarto ni Ken. Ang pinto nito ay slight na naka open na tama lang na makita ko itong nakadapa habang natutulog. Wala rin itong damit pang itaas.

Sa amin kasing lima, si Ken lang ang solo sa kwarto nito. Kasama kami ni Jah at si Sejun naman at si Stell sa kabilang kwarto.


Nang makapasok ako sa kwarto namin, nag suklay lang ako ng buhok at kinuha ko lang ang phone ko at lumabas na ulit papuntang sala.


Naglalakad akong papuntang sala nang mapansin kong may mga texts at tatlong missed calls pala ako galing kay Vivi.. Nagtataka ako kasi ilang buwan din kaming walang proper na communication. Lagi naman akong nag u-update dito pag may time ako but after 2-3 days pa akong ni re-replyan nito. Busy ito ngayon sa bagong tayo nitong fashion boutique.


Vivi is my ex. Our relationship only lasted for a month because it didn't work out and we both figured we are so much better as friends which I guess is the best decision we made since we have been best friends for solid 8 years now.


What I really like about her is I can say whatever I wanna say without being afraid of being judged. Ang cool lang nito. Alam nito ang diskarte ko sa mga babae at alam ko din kung sino ang mga nakaka date nito. Hindi na kami laging nagkikita nito especially recently na naging busy na kami pero during off namin, binibisita ko naman ito.



From Vivi : 

Dahil busy ka ngayon and you're not answering my calls so I decided to just break the news through text.



From Vivi :

 Ahmmm.. I ALREADY HAVE A BOYFRIEND. LIKE LEGIT BOYFRIEND. HAHAHHAHA.. We've been dating for 6 months now and I didn't tell you kasi baka ma jinx! LOL. Imagine that? 6 months? HAHA.. Dude I'm in love! Call me ASAP if you have time. I want you to meet him. I miss you by the way ;)



Sa di ko maipaliwanag na dahilan, parang nag iba bigla ang mood ko. Siguro na bweset lang ako dahil ngayon lang ito nag text at puro kalandian lang pala ang ginawa nito so I decided na e ignore muna ang text niya at di muna replayan.


Umupo na ako sa upuan na katapat ng inu-upuang sofa ni Jah. Kinuha ko ang remote control ng TV nang makita kong parang nagulat ang expression nito sa kung ano mang nakita nito sa phone niya.

SB19 || Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon