Chapter Sixty Six

543 54 33
                                    

Ken





Naramdaman ko ang pagkuha ni Angel sa kamay kong naka yakap sa katawan niya. Naramdaman ko rin ang pag dahan dahan nitong pagbangon mula sa kama.

She's acting kinda weird. Kanina sa rooftop, napansin kong medyo tahimik ito sa hindi ko malamang dahilan. Not the usual Angel I know. Kung may mga panahon mang hindi ito nagsasalita, alam ko namang attentive ito. Pero kanina ay mayat-maya lang ay nahuhuli ko siyang parang ang lalim ng iniisip.

Alam ko ring nag tulog tulogan lang ito kanina. Alam ko because I know how her breathing sounds when she's asleep.

Nahalata ko ring medyo tahimik rin si Jah kanina. Nakiki-pagbiruan naman ito paminsan minsan pero parang pinipilit lang nitong nakikisabay sa usapan.

May nangyari ba kanina bago kami dumating sa rooftop? May napag usapan ba sila ni Angel na naging dahilan nang biglaang pag iba ng mood nilang dalawa? Kung meron man, ano yun?

Parang biglang nabalot ng takot at pangamba ang naramdaman ko sa naisip ko.

Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman kong wala na si Angel sa kwarto at nagpunta sa living area.




" I'm glad you're still awake. I have something to tell you. Meet me sa rooftop. I'm on my way " Dinig kong sabi ni Angel.




Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang lumakas ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi nito sa kung sino mang kausap niya sa phone.

Ayokong mag duda, pero aaminin kong gulong gulo at maraming tanong ang isip ko ngayon. Sino ang kausap niya? Ano ang pag-uusapan nila? At bakit magkikita sila sa rooftop sa oras na ito?

Narinig ko ang pag sirado ng pinto kaya alam kong nakalabas na ito ng unit. May nagsasabi sa isip ko na wag ko siyang sundan kasi natatakot ako sa kong ano ang malalaman ko. Pero para yatang may sariling utak ang mga paa ko at hindi ko lang namalayan na lumabas na pala ako ng unit niya para sundan ito.

Nasa elevator palang ako ay parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Gusto ko ng bumalik sa floor namin pero gusto ko ring malaman kong sino ang kinakatagpo nito sa rooftop sa ganitong oras.

Tahimik akong naglakad sa hallway papuntang rooftop. Ingat na ingat ang mga ginawa kong mga yapak.

Nasa may entrance na ako ng rooftop nang may marinig akong nag-uusap. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Justin.




Justin: " Pinilit ko namang pigilan ang sarili ko eh dahil alam kong hindi pwede. Hindi dapat. Kahit ang sakit sakit na makita kayo ni Ken pero tiniis ko Gel dahil alam kong masaya kayo. Masaya ka. At alam ko ding matagal na akong nawalan ng karapatang maramdaman ito the time I ghosted you pero wala eh. Kahit anong gawin ko mahal talaga kita. Araw araw kong sinisisi ang sarili ko ba't ako naging duwag! Bakit pinakawalan pa kita? At Ba't ang tanga tanga ko paring umasa na baka isang araw ako nalang ulit ang mahalin mo. " Emosyonal nitong sabi.


Dinig na dinig ko ang malakas na pag tibok ng puso ko pagkarinig sa sinabi ni Jah. Para ring sasabog ang dibdib ko sa halos isang minutong hindi ko narinig si Angel na sumagot. At parang bigla namang huminto ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko siyang nagsalita ulit.


Angel : " Jah... " She paused. Mga ilang segundo muna ang lumipas bago ito nagsalitang muli. " I already forgave you a long time ago. " Parang pabulong niyang sabi pero narinig ko parin dahil sa katahimikan ng paligid.


SB19 || Love Me BackNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ