Chapter Seventy Six

514 29 49
                                    

Ken



Kakarating lang namin sa condo galing sa kaliwat-kanang shows at interviews namin. Dumeretcho ako sa kwarto ko at ibinagsak ang aking pagod na katawan sa kama at tahimik lang akong nakatitig sa kisame.


I sighed. Dapat sana, sa pagod namin ngayon, nakatulog na sana dapat ako. Pero parang ayaw na namang mag cooperate ng utak ko kaya bumangon ako at kinuha ang bote ng tequilla sa ilalim ng aking kama.


Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na buntong hininga nang mapansin kong parang tatlong shots nalang ay ubos na ang laman ng bote.


Tinongga ko ang laman ng bote ng Tequilla. Mapait akong napangiti pagkatapos. I'm drinking something and I can feel it spilling on me but I just keep drinking because I don't care about anything anymore.


Dapat sana ay magsaya ako dahil unti unti ng natutupad ang mga pangarap namin. Kanina lang ay may natanggap kaming magandang balita galing sa CEO namin. Isang napakagandang balita that would change our lives completely. Dapat sana, matuwa ako. Dapat sana excitement ang nararamdaman ko ngayon. Pero hindi.


These past 4 months had not been easy. Mapait akong ngumiti at sinundan ng malalim na buntong hininga nang masagi ulit sa isip ko si Angel. Because it's crazy how you can go days or months without seeing or talking to someone but they still cross your mind every fucking second.


Sometimes, I wish when people decided to walk out of your life, kunin na rin nila ang mga alaala na magkasama kayo. Lahat ng magaganda at mapapait na alaala. Lahat ng ngiti, tawanan, conversations, close bonds at pati narin ang sakit. Just everything you both encountered together that is making you cling to what you had. Siguro mas madaling mag let go if ganun. It's easier to let go of something that means nothing to you. Mga bagay na madaling makakapagpalimot sayo.


When she left, I shut myself down. I had no motivation to do anything. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili that nobody cares, even though I know some do. I think about all of the negative things I could possibly think of. I give myself all the pain, thinking I deserve it. The pain is almost unbearable. It's my first heartbreak and I'm so lost. Kahit napakaraming nagmamahal at humahanga saamin ay hindi ko parin maiwasang makaramdam ng pag-iisa.


Kung ako lang ang masusunod ay gusto ko nalang magmokmok at magpaalipin sa lungkot. Pero pinipilit kong maging normal para narin sa mga ka grupo ko. Kaya habang lumilipas ang mga araw ay natuto akong pakibagayan ang lungkot. Nanatili akong professional sa trabaho at nakikipagkulitan parin naman sa mga ka grupo ko paminsan-minsan. I tried my best to act as normal as possible. Hindi naman sa nanloloko or nagkukunwari or hindi ako nagpakatotoo. Naipakilala ko naman ang aking sarili. Totoo rin naman ang nakikita ng mga tao. Pero hindi lahat. But the " Show must go on " ika nga. Dahil ganun naman talaga dapat because the fans deserves the best from us. Kaya nga lang, at the end of the day, ito parin ang bagsak ko. Nilalamon ng lungkot at pinapatulog ang sarili sa pamamagitan ng alak.


Ipinatong ko ang aking noo sa mga tuhod ko at hinayaan ko nalang ang sariling umiyak. Baka kelangan kong pakawalan ang emosyon upang kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Baka sakaling mabawasan ang bigat na dinadala ko. Alam kong walang mareresolba ang luha ngunit ito lamang ang magagawa ko sa ngayon.

SB19 || Love Me BackWhere stories live. Discover now