Chapter Seventy Four

527 42 6
                                    



Ken



I slightly opened my eyes. Madilim parin ang kwarto kaya hindi ko alam kung anong oras na.


Angel and I made love the whole night. Slow and passionate. Fast and aggressive. Bumawi kami sa mga panahong hindi namin kapiling ang isat-isa. And it was beautiful. Nakatulog kaming dalawang magkayakap.


Agad akong napangiti at kinapa ang parte ng kama na alam kong kinaroroonan ni Angel. Bigla akong napabangon sa pagkakahiga nang maramdaman kong wala akong katabi.


Self-doubt kicks in. Hindi kaya panaginip lang ang lahat ng yun?


Agad akong tumayo at nagpalinga-linga. But I'm at the same motel room na tinuloyan namin kagabi so I'm positive it wasn't a dream.


Bumilis ang tibok ng aking puso nang makita ko that the room is completely empty.


Tinungo ko ang banyo at umaasang naroon si Angel. Nabalot ako ng lungkot at dismaya na walang tao sa loob. Ni walang senyales na may gumamit.


Lumabas ako sa banyo at agad na tinungo ang landline phone na nasa side table at agad na tinawagan ang help desk. Ang sabi lang nito ay kaninang madaling araw daw lumabas ang kasama ko.


Dumeretcho ako sa drawer kung nasaan ang aking phone at agad na kinuha yun. Napamura ako nang ma realized kong na battery empty nga pala ako kagabi.


Wala akong panahong inaksaya. Kaagad akong nagbihis at nag checked out. Hindi na ako nag abalang balikan muna ang sasakyan ni Josh dahil alam ko rin namang hindi ito gagana. Babalikan ko nalang siguro mamaya. The only thing that matters to me now is kung nasaan si Angel. Ang daming tanong sa isip ko ngayon. Pakiramdam ko ay parang sasabog ang ulo ko.


Last night was almost perfect. Akala ko OK na lahat. OK na kami ulit. But why did she suddenly left? Hindi man lang ito nagpaalam. Nagsisi ba ito? Na realized ba niyang what happened was a mistake? Bumilis ang tibok ng aking puso sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Binalot ako ng kaba. Ayaw kong tanggapin ang posibilidad.




Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig kong may sumagot sa linya. Nandito ako ngayon sa rooftop ng condo namin at kanina pa ako tawag ng tawag kay Kingsley.



Kingsley: " Ken, right now is not a good time. I'm about to meet a client for a meeting in 5 minutes. I already told you, I don't know where she is right now. " Narinig kong sabi ni Kingsley sa kabilang linya. Magkahalong inis at urgency ang tono ng boses nito pagkasabi nun.



Na-iintindihan ko naman.  Dalawang araw ko na siyang paulit-ulit na kinukulit about Angel. 

SB19 || Love Me BackWhere stories live. Discover now