Chapter Fifty Four

613 54 12
                                    

Ken




Nandito kami ngayon sa Van at nasa kala gitnaan ng traffic. Inis na inis ako ngayon at gusto ko ng liparin ang condo namin.


May meeting kami kagabi with Sir Robin about... Nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga nang ma alala ko kung anong napag meetingan kagabi. Ayoko munang isipin yun. Ang gusto ko lang ngayon ay makita si Angel dahil 1AM na kaming natapos sa meeting namin kagabi kaya tulog na ito nang matapos kami.


Kaninang umaga naman ay maaga kaming nagising dahil nag fitting kami ng costume namin na susuotin for our Nationwide concert at almost lunch na kaming natapos. 4 hours nalang at flight na namin pa Cebu at uuwi lang kami saglit para kumuha ng mga gamit namin at de-deretcho na kami sa airport. Inis na inis ako ngayon kasi gusto ko pang makita si Angel at wala na kaming oras.



Stell: " Relax ka lang nga dyan Ken.. Aabot din tayo. " Sabi niya dahil siguro napansin nitong inip na inip na ang itsura ko ngayon.



Hindi ko pinansin ang sinabi nito at nakamasid lang sa may bintana ng sasakyan at lukot na lukot ang mukha.


Nasa likuran kami ngayon ng van at katabi ko si Stell. Katabi naman niya si Jah na naka pwesto sa may kabilang bintana ng Van busy so kung ano mang ginagawa niya sa phone niya. Sa harapan naman si Sejun at Josh at ang dalawa naming staff at isang staff sa frontseat.



Josh: " Ang clingy mo pala dre. Bago yan ah.. " Parang nang iinis na sabi nito.



Sejun: " Romantic yan si Ken. Lowkey lang. " Sabat naman ni Sejun na ikinatawa ng lahat pati staff namin except kay Jah na tahimik parin at busy sa cellphone niya.



Hindi ko sila pinansin at kinuha ko nalang ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan si Angel. 7% nalang ang battery ko kaya panay text lang kami kanina. Akala ko kasi na charge ko kagabi pero hindi ko napansin na hindi pala nakakabit ang chord sa adapter kaya tuloy lowbat ako ngayon.


Agad naman niyang sinagot ang tawag ko.




Me: " Love, malapit na kami. "



Josh: " Iba talaga ang love! HAHAH.. " Tatawa tawang sabi nito na ikinatawa rin ng lahat. Narinig ko ring tumawa ng mahina si Angel sa kabilang linya.



Angel: " Ok.. I'll wait for you.." Nahimigan kong nakangiti ito ngayon.



Me: " Wag mo nang pansinin ang mga tukmol love. Mga papansin lang mga yan. " Sabi ko naman sa kanya sabay irap sa mga kasama ko.

SB19 || Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon