Chapter Seventy Two

631 47 47
                                    



Angel




Nakaupo ako ngayon sa driver's seat at tahimik lang na nakamasid sa labas ng bintana ng sasakyan. Tahimik lang akong umiiyak habang pinagmamasdan sa labas ng bintana ang pagbuhos ng malakas na ulan.


Inis na inis parin kasi ako sa nangyari kanina. Gusto kong maging selfish ngayon dahil minsan lang ang pagkakataong nandito ang paborito kong banda but Ken ruined it! Kanina when he asked me to go back there ay hindi na ako pumayag dahil sirang sira na talaga ang gabi ko at wala na ako sa mood.



Ken: " Love please.. kanina kapa dyan. " Malumanay niyang sabi at saglit akong nilingon.



Nag ba-byahe na kami ngayon pauwi sa condo namin at kanina pa ako iyak ng iyak.


He pulled over dito sa isang hindi pamilyar sakin na lugar dahil nag short cut ito kanina. Most of the buildings na nakikita ko ngayon ay parang mga building ng mga pabrika. Hindi naman lahat but most of it.


I'm too tired and frustrated to function right now. Kaya kahit gusto ko man siyang tanongin kung bakit kami huminto ay mas pinili ko nalang manahimik. Ayoko ng makipagtalo pa dito. I'm sick and tired of it.



Ken: " Sabi ko nga kanina diba na babalik tayo? Ayaw mo naman.. " Malumanay paring sabi nito at tuluyan ng pinatay ang makina ng sasakyan.



Hindi ako sumagot. Pinahid ko ang aking mga luha at nanatiling nakamasid lang sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.


Naramdaman kong kinuha nito ang isang kamay ko pero nagmatigas ako kaya ipinatong lang nito ang kamay niya sa kamay ko. Still, diko parin siya nililingon.


Narinig ko ang pagpakawala niya ng malalim na buntong hininga.



Ken: " Lumabas na pala ang results ng DNA. " Kalmado niyang sabi.



Hindi parin ako nagsalita dahil wala na talaga akong paki sa kung anong sasabihin nito because I'm too tired and frustrated to care at this point.



Ken: " Hindi akin ang bata.. "



Me: " Kaya pala naka wallpaper ang picture nila ni Lei sa phone mo. " Sarcastic kong sagot sa kanya habang nasa labas parin ng bintana ako nakatingin.



Ken: " Hey listen... " Sabi niya at hinawakan ang baba ko para mapaharap dito pero ibinalik ko ulit ang tingin sa labas ng bintana.

SB19 || Love Me BackWhere stories live. Discover now