Chapter Sixty Nine

510 51 39
                                    

Ken





Nag angat ako ng ulo when I heard someone giggled. Naka-upo ako ngayon sa gilid ng hospital bed ni Angel. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko itong natatawa sa pinapanood nito sa TV.



Angel: " Hey... " Tawag niya sa atensyon ko. Nakangiting nakatingin siya sakin while her eyes are beaming.



Napatulala akong nakatitig lang sa kanya dahil hindi ko inakalang ganito ko na miss ang mga ngiti nito. Agad naman din itong nabalot ng lungkot nang mapansin kong medyo namayat ito.


Nang dumating ako dito kagabi ay tulog na ito nang maabotan ko. Buti nalang at umabot pako sa visiting hours kaya nakapasok ako ng hospital. Hindi ko namalayang nakatulog din pala ako.



Angel: " Are you hungry? Nag order na ako ng food. The hospital food sucks you know. " She rolled her eyes. She looks beautiful still kahit umirap ito. Ang cute niyang tingnan.



Lihim akong nagtaka nang mapansin kong parang may konting make up ito sa mukha. Nasa hospital ito pero naka make up? Hindi ako sanay na may make up ito kaya napansin ko agad yun. But she still looks good though. Naka lugay pa ang buhok nito ngayon na naka messy pony tail naman kagabi nang maabotan ko ito.


Nagpaganda ba ito dahil nandito ako? Lihim akong natawa sa naisip ko.



Ken: " Sige.. Di pa naman ako gutom. " Tipid kong sabi habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang isang kamay ko.



Napatingin ulit ako sa kanya nang mapansin kong hindi ito sumagot. And there she is staring at me with sparkling eyes. Nakakunot noo ko siyang tiningnan.



Angel: " Parang nag init bigla ang paligid ah kahit full blast ang AC. " Natatawang sabi niya at umaaktong nagpa-paypay ng sarili gamit ang dalawang kamay nito. " Ang hot mo kasi. " Pilya niyang sabi at kinindatan ako!



Agad akong nag iwas ng tingin sa ginawa nito at tumikhim nalang para maitago ko ang ngiti ko. Baliw talaga. How can she say those things in her situation now?



Angel: " Pa cool ka talaga. Alam ko namang na miss mo ko eh. " She said confidently at sinundan ng mahinang pagtawa.



Me: " Ba't ka ba nagka pneomonia? " Tanong ko nalang para maiba ang usapan.



Angel: " Ok naman talaga ako eh. OA lang talaga ang doctor konting ubo lang eh pina admit na agad ako. " Umingos pa ito at nag crossed arms.

SB19 || Love Me BackNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ