Chapter Fifty Three

686 50 19
                                    

Ken



Napatingin ako sa phone ko. Kanina pa ako nag hihintay nang texts galing kay Angel pero puro notifications lang ang natatanggap ko galing sa bagong video na pi-nost ko sa Tiktok kanina sa sobrang bored ko.



Last night was..



Napapikit ako nang maalala ko ang nangyari kagabi.

That was so close. Nagagalit ako sa sarili ko ngayon kung bakit hindi ko napigilan ang sarili ko kagabi and I am worried baka kasi I freaked her out.



Putek naman kasi Ken! Napa kagat labi lang yung tao di mo na napigilan ang sarili mong hayop ka!



Na i-inis ako sa sarili ko dahil ayokong ma isip niya that she's one of those girls I hooked up with. Pero may part din sakin na gi-guilty for being selfish for feeling kinda happy dahil nagselos siya. Nakangiting napa lingon lingon nalang ako dahil hindi ko alam na nagseselos pala ito kay Sam. And it's kinda cute.


Lumabas nalang ako ng kwarto ko at nakita ko ang mga tukmol sa sala. Except kay Sejun na busy ngayon sa kwarto nila ni Stell at parang nagsusulat yata ng kanta.


Si Josh at Justin ay nasa harap ng TV at naglalaro ng PS4 at naka upo silang dawala ngayon gamit ang upuan na kapares ng dining table namin na sigurado akong iiwan lang nila dun pagkatapos gamitin. Si Stell naman ay naka upo lang sa sofa at busy nag se-selfie.


Josh: " Si Ken ba yan? " Tanong ni Josh na hindi tumitingin at nasa paglalaro ang buong atensyon.



Me: " Oh bakit? " Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi ni Stell.



Josh: " Kaw na maglaro dito.. Walang challenge si Jah eh.." Tatawa-tawang sabi nito na ikinalukot ng mukha ni Jah.



May sinagot pa si Jah pero diko na narinig dahil humirit si Stell sa tabi ko.



Stell: " Galit ka pa ba? " Parang pabulong na tanong nito.



Hindi ko siya sinagot at nag busy busy-han nalang sa phone ko.



Hindi naman talaga ako galit kay Stell. Pinag tri-tripan ko lang siya dahil siya pa ang mas na awkward sa sitwasyon. Kagabi ko pa kasi siya hindi pinapansin.



Stell: " Sorry naman.. wala naman akong nakita eh.. " Sabi niya at ina-alog-alog ang braso ko.

SB19 || Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon