Chapter 50

9K 379 97
                                    

#HGDChapter50

Continuation of Hurricanes' point of view. Ten chapters left...

Promise

HURRICANE

I can't remember when was the last time I felt nervous this way. Palagi akong kumpiyansa sa mga ginagawa ko. Even during important deals in our business, I was confident. Who would have thought that I would lose that confidence while waiting for my children eat the breakfast that I made.

Just in time, when I was done arranging the table. Nagsidatingan na sina Amaranthine kasama ang kambal na parehas nang naka-uniporme.

"Tinapay? Walang sinangag, Nay?" nakangusong saad ni Mattie habang minamasdan ang niluto kong pancakes.

Hotdogs, ham and eggs.

"Nako Matilda, pakipot ka pa 'eh paborito mo 'yan," ani Beauty sa anak kong ipinaikot lang ang mga mata.

Maria Matilda. She's the little version of my sister Light Ryie.

"Bawal kaya 'yan kay Ambal, matamis kasi—"

"Mattie...nag-usap na tayo. Maupo ka sa tabi ng ama mo, at kumain na tayo bago kayo mahuli sa klase."

"Mamsh mamaya na ako at bubuksan ko na ang tindahan. Abang na abang na ang mga bebe boys kong magbukas tayo."

Kakamot-kamot sa kilay na binalingan ko si Maddie. "Sorry anak, do you want me to cook something else?"

Umiling siya at ngumiti sa akin. "Ayos na po 'to Tay, puwede naman po ako ng pancakes, nagbibiro lang po si Mattie."

"Hindi ka—oo nga joke lang po, Tay."

Napapailing si Amaranthine na pinaglalagyan ng pagkain ang plato ng mga anak namin.

"Kain na," aya ni Amaranthine na nag-umpisa nang kumain. Natawa ako nang makitang sunod-sunod ang pagsubo niya sa pagkain.

Reminds me how she used to eat before. She loves food.

Masaya kong pinagmasdan ang mag-iina kong nag-umpisa nang mga kumain.

"Sinangag pala ah," tukso ni Amaranthine kay Mattie na nakakadalawa ng kuha ng pancakes.

"Nay!"

"Mga bagets, patapos na ba kayo, dumaan na si Mang Carding." Sigaw ni Beauty mula sa labas.

Kumunot ang noo ko. "Who's Mang Carding?" tanong ko kay Amaranthine.

"Trycicle driver, siya ang naghahatid at nagsusundo sa mga bata papasok sa school."

"Puwede bang ako na lang ang maghatid sa kanila?"

"Huh? May pasok ka pa di ba?"

Tumikhim ako at umiling. "Nag-leave ako,"

"Ganoon ba? Ikaw ang bahala." Hinarap niya ang mga anak namin habang nililigpit ang pinagkainan namin. "Mattie at Maddie, narinig ninyo 'yon? Si Tatay daw ang maghahatid sa inyo."

Umungol si Mattie na tila tutol sa paghatid ko sa kanila pero isang masamang tingin mula sa ina ay nanahimik siya. "Matilda, behave. Baka gusto mong hindi ko bilhin ang tablet na hinahangad mo?"

"Behave po ako Nay! Pwamis!"

A tablet? Oh...I know what's that.

"Ikaw na ang bahala sa kanila ah," ani Amaranthine habang inihahatid kami ng mga bata palabas ng bahay nila.

Sa backseat pumuwesto ang mga bata sa kotse ko, sinigurado kong suot nila ang seatbelt bago ko pinaandar ang sasakyan patungo sa eskwelahan nila.

Lumipas ang minutong nagmamaneho ako na wala akong ingay na naririnig sa mga bata. Maddies' not the talkative one though but Mattie...she's really angry at me.

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon