Chapter 54

9.1K 394 84
                                    

#HGDChapter54

Closure

"Nay gising na!"

Masakit ang ulo na idinilat ko ang mga mata ko.
"Mattie, huwag kang tumalon," paos ang boses kong saad sa kanya dahil bawat langitngit ng kama ay siyang pagpintig ng ugat sa ulo ko.

Agad na naupo si Mattie at hinipo ang ulo ko, "May sakit ka Nay?"

Humikab ako at umiling. Niyakap ko siya at hinila pahiga. "Wala, inaantok lang ang Nanay,"

"Paano! Hindi ka umuwi kagabi, nag-date ba kayo ng Tatay, Nay? Ba't umaalis kayo tas hindi ninyo kami sinasama ni Maddie? Others na ba kami ni Ambal huh, Nay? Ang daya naman--" tinakpan ko ng kamay ko ang matinis na boses ni Mattie.

Natatawa sa mala-armalite niyang boses.

"N---umppp!" Tinanggal ko rin ang kamay ko makalipas ang ilang segundong natigil sa paggalaw ang bibig ng anak ko. "Child abuse ka Nanay!"

"At ikaw ang aga aga ang ingay mo. Nasaan ang kambal mo?"

"Nasa baba tinuturukan ni Ninang," saad niyang kandahaba ang nguso. Mukhang ang nasa isip ay talagang gumala kami ng ama niya at iniwan sila.

Binilinan ko kasi si Beauty na huwag nang ipaalam pa sa mga bata ang nangyari kay Hurricane.

Bumangon ako at kinalong si Mattie. "'Nak, hindi kami namasyal ni Tatay--"

"Weh- joke lang po--" biglang bawi niya nang nagbabanta ko siyang tingnan dahil binilinan ko na siyang huwag nang gagamitin ang salitang weh, na nakuha niya sa panonood ng palabas sa telebisyon. 

"Mattie, ang totoo niyan nasa hospital ang Nanay kasi si Tatay may sakit."

"Sakit? Ano pong sakit, Nay? Mamamatay na ba siya? Hala naman po, ba't naman po ganoon kakakita nga lang po namin sa kanya ni ambal tapos--"

"Matilda!" putol ko dahil ako na mismo ang hinihingal sa mabilis niyang pananalita. 

"Ano po?" biglang kalmado niya nang tanong.

"Okay na ang Tatay mo, hindi pa siya mamamatay--"

"Hindi pa? Ibig pong sabihin, mamamatay siya?" may takot sa mga matang putol niya sa akin.

Mas dumoble yata ang sakit ng ulo ko dahil sa anak kong 'to. "Hindi siya mamamatay."

May paghawak pa sa dibdib na bumuntonghininga si Mattie na akala mo ay matanda. "Gusto ko siyang makita, Nay!"

"Hindi puwede baka bumuka lang ang sugat ng Tatay mo sa kunsumisyon sa 'yo," sagot ko't tuluyan nang tumayo.

"Mabait ako. Nay! Hindi ako magkukulit doon! Pramis!"

Sinulyapan ko ang orasan at pasado alas-nueve na pala nang umaga. Kumunot ang noo ko nang may mapagtanto. "Teka nga, bakit hindi ka pumasok?"

"Ay naku ang Nanay, makalimot! Bertdey no'ng principal po namin, walang pasok. Ba't ganoon Nay ano? Nag-birthday lang si Ma'am Luz, wala nang pasok hindi naman po siya bagyo." pilyang saad ni Mattie na ikinailing ko. 

Saan kaya nagmana ang batang 'to?

"Maligo ka na kung gusto mong pumunta sa Tatay mo--"

Ni hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis siyang nagtatakbo paalis sa kuwarto ko. Nang mawala sa paningin ko si Mattie ay muli akong napaupo sa kama't napahawak sa labi ko. 

Galing na galing sa operasyon nakuhang manantsing! Pambihira ka talaga, Hurricane!

"I love you, Amaranthine Renesmee Costas. I love you before, I still love you now, it's still you that I want and need. So, I'm begging you, give me a chance to be with you until the end."

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon