Chapter 55

8K 402 108
                                    

#HGDChapter 55

I love you

AMARANTHINE

"Ayoko na nga! Ano bang hindi mo maintindihan doon?!"

"Ganoon na lang 'yon, Drea? Hihiwalayan mo ako? I won't let you!"

"Well, wala kang magagawa Ulysses because I don't love you anymore so there's no reason for us to continue this relationship!"

"Hindi 'yan totoo! Nape-pressure ka lang kina Mommy--"

"Just quit it, Ulysses! Ayoko na!"

Nagtatakbong umiyak ang estudyanteng babae habang hinabol naman siya ng boyfriend niya.

Napalunok ako sa eksenang nangyari sa field na napagpasyahan naming tambayan ni Nico after we ate our breakfast.

Napunta ang tingin ko sa katabi ko na titig na titig sa naghihilahang dalawang estudyante na malayo na sa puwesto namin.

Yeah, I was like that too, sa iyo...You were begging me to stay and I chose to break up with you.

"Don't look at me like that," baling sa akin ni Nico.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumikhim. "Look like what?"

"Like you're guilty..."

Napatungo ako at malalim na napabuntonghininga. "Because I am. I am really guilty."

"You don't have to feel guilty about what happened to us, Amara. I just came to this thought while I was watching that two quarreling, you didn't cheat on me."

Kunot noong binalingan ko siya. "Nico..."

"We broke up. You broke up with me. You didn't cheat on me with that man because in the first place, you don't have any obligation to be faithful to me."

"T-That's not true—"

"It is, Amara," nakangiti niyang saad at ginulo ang buhok ko katulad nang palagi niyang ginagawa noon.

"Sinabi lahat nila Jade ang ginawa mo para sa akin, you didn't give me up, you gave up your school, lahat nang puwedeng maging trabaho ginawa mo. Noon pa kita gustong makita, noon ko pa gustong alamin kung bakit nawala ka. But I wanted to be a better man when we meet again. Gusto kong sa muli nating pagkikita, kaya ko nang protektahan ka. K-kaya ko na ngayon, Amara, malayo na ang narating ko pero hindi na talaga puwede 'eh. Matagal nang tapos ang kabanata natin, Amara..."

"I-I'm sorry—"

"No please, Amara, stop being sorry to me. Wala kang naging pagkukulang sa akin. I'm ready now to accept the fact that we weren't just meant to be." Yumuko siya at tumango-tango. "You and I aren't meant to be..." aniyang sa sarili na sinasabi.

"Nico..."

Binalingan niya ako at nginitian. Isang ngiting alam kong hindi totoo.

This is the Nicolo that I loved. He's the selfless man I have ever known and right now, all I'm hoping is he finds someone who can make him happy.

Matagal na namayani ang katahimikan sa amin, marami akong gustong sabihin kanina sa kanya pero naging blanko na lang ang lahat ngayon. Dahil walang mga salita ang makakapagpaalis ng sakit na naidulot ko sa kanya.

"Let's talk about something else, Jade...she's getting married," basag ni Nico at ang boses ay nagnanais mapagaan ang usapan namin.

Napangiti ako. "Really? Wow, saan siya ikakasal?"

Nagpatuloy ang kuwentuhan namin ni Nico na hindi ko na namalayan ang oras. Makalipas ang ilang oras na pag-uusap at pagbabalik tanaw ay napagpasyahan niyang ihatid na ako pauwi.

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon