Chapter 45

8.4K 356 104
                                    

#HGDChapter45

Chance

"Sa tummy po, Nay ah."

Tumango ako at hinaplos ang pisngi ni Maddie bago ko ipinagpatuloy ang paglagay ng gamot sa insulin pen na ituturok ko sa kanya.

"Kailangan ba talagang araw-araw siyang turukan?" tanong ni Hurricane habang karga si Mattie na parang koalang ayaw kumawala sa ama niya.

"Tay, strong 'yan si Maddie 'di 'yan takot sa karayom. Kambal naman kami, bakit ako takot?" nangungusong tanong ni Mattie habang busy sa pagkalikot sa cellphone ng ama niya.

"Matilda, iyang mata mo masyadong malapit sa cellphone ah," panenermon ko at binalingan si Hurricane para sagutin ang tanong niya.

"Type 1 ang diabetes ni Maddie, she needs insulin every day to s-survive."

Kahit araw-araw ko nang ginagawa ang pagturok kay Maddie ay nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa puso ko sa tuwing nakikita ko ang pagpitlag ni Maddie at gaano niya man itago ang sakit sa mga mata niya. Nakikita at nararamdaman ko. Nang masdan ko si Hurricane ay alam kong parehas kami nang iniisip ngayon. Na sana hindi ang anak namin ang meron nito kung hindi kami.

Ibinaba ni Hurricane si Mattie sa pagkakaupo sa hita niya at inihiga ang anak kong umungot lang pero muling nagpatuloy sa paglalaro.

"Does it hurt?" paglapit ni Hurricane kay Maddie.

Umiling si Maddie at ngumiti. "Hindi po."

"You're a strong girl," aniyang hinaplos ang pisngi ni Maddie. Larawan ang paghanga sa mga mata.

"Hello? Sino ka po? Ako po? Si Matilda—"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kay Mattie at nagmamadali kong kinuha ang cellphone ni Hurricane mula sa kanya. Sa sobrang tutok ko ng atensyon kina Hurricane at Maddie ay hindi ko namalayang iba na pala ang ginagawa ni Mattie sa cellphone ng ama niya.

"I said who are you?! Hurricane? Hon?"

"Nay—"

Huminto sa pagsasalita si Mattie nang senyasan ko siyang manahimik. Napapalunok na inabot ko kay Hurricane ang cellphone niya. Alanganin niyang kinuha iyon mula sa akin.

"Sav..."

Binalingan niya muna ako bago itinuro ang pinto. Nang makalabas siya ng kuwarto ay pinamewangan ko si Mattie na kunot na kunot ang noo.

"Matilda, bakit mo sinagot iyong tawag imbes na ibigay iyon kay Hurricane?"

"Nay, sino po ba iyong tumawag?"

"H-Hindi ko alam pero hindi mo dapat sinagot iyon. Masamang makialam—"

Hindi ko na natapos ang panenermon kay Mattie sa magkakasunod na katok na narinig ko mula sa pinto.

"Good morning!" bungad ni Andrew kasunod ang mga magulang niyang talagang itinuloy ang pagbisita.

"Tito! Tita, hindi na ho dapat kayo nag-abala pang pumunta—"

"Thine, kailan pa ba kayo naging abala sa amin?" putol ni Tita Veron sa sinasabi ko.

Bumeso siya sa akin at ganoon din si Tito sa akin. "How's Mattie?" tungo ni Tito sa anak kong mukhang nawala na sa isip ang nangyari kanina at tuwang-tuwa na yumakap sa ama ni Andrew ganoon din kay Tita Veron.

Si Andrew naman ay kinarga si Maddie at napapangising nakatingin sa paper bags na nagkalat sa sofa. Iba't-ibang pasalubong mula kay Hurricane.

"Lola Ganda! Ang bango-bango po ninyo talaga," ani Mattie na ang atensyon na ay napunta sa ibinigay na manika nila Tita Veron initsapuwera na ang teddy bear na ibinigay ng ama niya sa kanya.

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon