Chapter 5

7.8K 303 223
                                    

#HGDCh5

Insult

"PASENSYA na po talaga Madam...hayaan po ninyo at pupunta ako diyan para personal na magpaalam."

Napabuntong-hininga ako matapos kong ibaba ang tawag ko sa isa sa mga part time jobs ko. Pangatlo na siya sa tinawagan ko para pagpaalamanan ko.

"How many jobs do you have?" Napalingon ako sa katabi ko na nagmamaneho pero kanina ko pa napapansin na sumusulyap sa akin.

"Hmmmm...lima. Minsan pito. Basta kahit anong trabaho na kaya ko pinapatos ko."

Tumango-tango siya. "Why are you so desperate to earn money?"

"Sino namang tao ang hindi desperadong kumita ng pera?"

Nagkibit-balikat siya. "I'm not that desperate--"

"Nasasabi mo 'yan kasi mayaman ka naman na talaga. Ano pang ikadedesperado mo?" sarkastiko kong saad.

"Hey chill. Hindi ko kasalanang pinanganak akong mayaman."

Bumuntong-hininga ako at naisip ang tawag sa akin kanina. "Kung para sa akin lang, hindi ako magiging desperada kumita. Sapat na sa aking may masilungan at makakain ng tatlong beses sa isang araw."

"So para kanino? Your parents? Siblings?"

Umiling ako at ngumiti nang mapait. Wala akong ganoon. "Boyfriend."

Naubo siya na tila nasamid sa diretsahan kong sagot. "Woah! Hindi ka ba nahihiya?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman ako mahihiya?" baling ko sa kanya.

"Na ikaw ang bumubuhay sa boyfriend mo..."

"Walang nakakahiya ron. Mahal ko siya at kahit ano gagawin ko para sa kanya..."

Ngumisi siya. "Paano kung lokohin ka niya despite of your undying love?"

"Hindi niya gagawin 'yon..."

"Don't be so sure, woman."

"Bakit ba napaka-bitter mo? Ilang babae na ba nanloko sa 'yo?"

Tumawa siya pero ayon na naman ang lumbay sa mga mata niya. "Hindi ako naloko. Ako ang nanloloko..."

Umismid ako at napangiwi sa kanya. "Talagang proud ka pa, ah."

Hindi na siya sumagot at pinark na ang kotse sa tapat ng isang sosyaling mall.

Panigurado ay pagtitinginan ako sa hitsura ko.

"Hey, let's go." paghila niya sa akin nang hindi ako sumunod sa kanya. "I have an important meeting. My secretary is on leave. Siguro naman marunong kang magtake-down notes?"

Pumiksi ako sa kapit niya. Naiilang ako. Ewan ko ba.

Tumikhim ako at tumango. "Oo naman. Nakakaintindi rin akong english."

"Good."

Tama nga ako dahil iilang kilay ang tumataas nang makapasok kami sa mall.

"Don't mind them." saad niya at nanlaki ang mata ko nang umakbay pa siya.

"Boss, no touch please." saad ko at lumayo sa kanya.

"Jeez, do you have an idea kung ilang babae ang gustong hawakan ko sila?"

Sumimangot ako sa pagiging mayabang niya. "Alam ko pero hindi ako sila."

Tumawa siya at kahit na sinabi kong huwag niya akong hawakan ay hinila niya pa rin ako papasok sa isang shop na brand pa lang alam ko ng mahal.

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon