Chapter 56

9.3K 380 110
                                    

#HGDChapter56

Moving in

"EMMA, ikaw na ang bahala sa bahay ah," sabi ko't isang beses pang sinulyapan ang bahay na maraming alaalang nabuo kasama ng mga anak ko.

"Talaga bang ayos lang sa 'yo Thine, na sa susunod na buwan ko pa maibibigay ang deposit at advance sa bahay. Tapos iyong tindahan ninyo, ay buwan-buwan ko na lang huhulugan," tila nahihiyang saad sa akin ni Emma na alangan pang kunin ang susi na inaabot ko.

"Basta alagaan mo lang 'tong bahay, Emma, walang problema," nakangiti kong sagot sa kanya.

Hindi madaling bitiwan ang bahay na ito pero sa dalawang linggong pangungumbinsi sa akin ni Hurricane o mas akmang sabihing ungot niyang alagaan ko siya ngayong lalabas na siya mula sa hospital ay napilitan na rin akong sumunod sa kagustuhan niyang magsama-sama kami sa iisang bahay kasama ang mga anak namin dahil pati sila Mattie ay sinama niya sa pangungulit sa akin. Natural ay hindi ako papayag kung wala si Beauty kaya kasama na rin siya.

Ang tindahan na halos hindi ko na naasikaso ay ipinapasa ko sa kapit-bahay kong si Emma ganoon na rin ang bahay na uupahan nila ng tatlo niyang anak.

"Limay, mamimiss kita kahit negra—"

"Matilda!" pananaway ko sa anak kong aalis na nga lang lahat ay mang-aasar pa.

"Joke lang, Nay 'eh!" pagnguso ng anak ko at niyakap si Limay na tuwang-tuwa sa ibinigay na mga manika sa kanya ni Mattie.

"Thank you sa laruan, Mattie, ah?"

"Okay lang 'di ko naman kailangan na 'yan papabili na lang ako kay Tatay!" pagtawa ng anak ko.

"Ay wow, ang hangin dito. Baka liparin kami Matilda, halika na nga't ang dami mo pang moment diyan!" hila ni Beauty sa anak kong feel na feel ang pagiging prinsesa sa mga Helios.

Nagpaalam na rin ako kina Emma at kinarga si Maddie na kanina pa tahimik sa tabi ng Kuya ni Limay na si Rem na tatlong taon ang tanda sa mga anak ko.

Close siya kay Maddie dahil ang tutor nila ay iisa at madalas ay magkasabay silang nag-aaral.

"Byebye, Kuya Rem..." halos ako lang ang nakarinig na saad ni Maddie.

Hinaplos ko ang likod ng anak kong si Maddie na kung ikukumpara sa kakambal niya ay tila hindi ganoon ka-excited sa pag-alis sa San Agustin.

"Malungkot ka, 'nak?"

"Hindi naman po, Nay, mamimiss ko lang po sila Kuya Rem."

"Dadalaw pa rin naman tayo rito,"

"Talaga, Nay?" tiningala niya ako't hinaplos pa ang pisngi ko.

"Oo naman, gusto mo bang doon sa jolligee i-celebrate ang birthday ninyo nila Mattie next month para makapunta sila?"

Mabilis na tumango ang anak ko't lumiwanag ang mukha. Nagpababa na sa akin at pumasok na rin sa kotse ng mga Helios na sinundo kami.

"Byebye mga prends, mamimiss ko kayo pero jusko ang mga utang ninyo ah bayaran ninyo kay Emma 'yon!" sigaw ni Beauty bago pumasok sa loob ng kotse na ikinatawa ko.

Kauupo ko lang nang tumunog ang cellphone ko at iniikot ko ang mga mata ko nang makitang si Hurricane iyon. Mula kaninang umaga ay nasa pang-lima niya nang tawag 'to.

"Ano na naman, Hurricane?"

"Saan na kayo?"

"Paalis na—"

"Kala ko ba maaga kayo—"

"Maaga kung hindi dalawang bata ang aasikasuhin namin makarating lang diyan. Tantanan mo nga ako't kanina ka pa tawag nang tawag."

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon