Chapter 2

10.9K 335 18
                                    

#HGDCh2

First Meeting

"CALI stop crying! We're going inside, you'll see your Mom and Dad so let's clean you up--"

Pinigilan kong matawa nang makita ang tila natataeng ekspresyon sa mukha ng guwapong pakay ko.

He's dashingly handsome with his suit and all but he looks so frustrated with a kid.

Kung sinuswerte ka nga naman oh.

"Need help?" paglapit ko sa kanilang dalawa. Agad siyang lumingon sa akin pati na rin ang batang biglang nanahimik nang makita ako.

Iba talaga kagandahan mo, Thine. Natulala na sa 'yo ang dalawa oh...

Bago pa ko maging bato sa pagtitig niya ay tuluyan akong lumapit sa bata at walang kime ko siyang kinarga.

"Hey baby, what's wrong?" tanong ko dahil mukhang di nakakaintindi ng tagalog 'tong bata. Amoy sossy.

Kumunot ang noo ko nang may maamoy na hindi maganda. Kinumpirma ko iyon nang silipin ko ang suot-suot niyang diaper.

"Ay pucha--ang ibig kong sabihin alam ko na bakit siya umiiyak..." pagbaling ko sa lalaking nag-uumpisa na namang mataranta nang makitang nag-iiyak na naman ang batang karga ko.

"What's wrong with her?"

"Tumae siya..."

"She's what?"

"Tumae...nagpoopoo ba, eto naman may pagkabingi. Kelangan ko pang englishin?" naiirita ko nang saad sa kanya.

Nagtatagalog ako. English nang english. Sarap konyatan 'eh.

"May diaper ba siya diyan?" pagtukoy ko sa nakita kong baby bag sa bench.

"I think so?"

"Ah...meron naman pala. Marunong ka naman sigurong magpalit?"

Tila mas umaayon sa akin ang tadhana nang ngumiwi siya senyales na wala siyang alam sa paglilinis sa bata.

"Hala nako kelangan niya nang magpalit at magkakarushes siya nasaan mama niya?" pananaranta ko pa sa kanya lalo.

"She's busy!"

Ayan na naman ang natatae niyang ekspresyon. Laughtrip, kingama.

"Fine, I'll help."

Oha. English speaking ma men.

"You're willing to help?"

"Siyempre boss may bayad..." pagngisi ko sa kanya.

"Fine, I'll pay you, now let's go."

Maglalakad na sana siya paalis nang muli akong magsalita.

"Ay hindi pera..."

Kahit kelangan ko ng pera, imposible namang mabigyan mo ko ng 200 kiyaw sa pagpapalit lang ng diaper.

"What do you want then?!"

"Ikaw..."

Ngumisi ako nang makita na tila kinilabutan siya sa sinabi ko. Siya naman talaga ang kailangan ko. Rather, ang pagkamahal-mahal niyang pirma.

Kinindatan ko siya nang hindi siya magsalita. May pagmamadali ang kilos kong tinahak ang daan papunta sa restroom ng hotel.

"Akin na 'yang bag," nguso ko sa nakasukbit sa kanya nang makarating kami sa restroom.

"Hindi ka puwede sa loob..." Binagsak ko ang bag ko sa paanan niya.

"Ayan bag ko don't worry hindi ako kidnapper..." saad ko bago kami pumasok ng bata sa loob ng restroom.

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon