Chapter 17

6.4K 262 41
                                    

#HGDChapter17

Tears

Tila may tumatambol sa puso ko habang naglalakad papunta sa rest room. Nanlalamig ang mga kamay ko at ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko.

Hinihingal ako nang makapasok ako sa banyo dahil sa bilis ng lakad na ginawa ko. Napatitig ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha kong namumula. Ang tingin ko ay napako sa labi kong nangangapal sa pakiramdam.

Anong ibig sabihin ng halik na 'yon?

Ipinilig ko ang ulo ko at naghilamos ng mukha kasehodang mabura ang kolorete ko. Ang halik na iyon ay parte lang nang pagpapanggap. Wala nang iba pa. Hindi ko dapat iyong isipin pa. Ginawa niya lang iyon dahil sa tingin sa amin ng pamilya niya at ng babaeng patay na patay sa kanya.

Wala na akong dapat isipin pa.

Nang kumalma ay inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng rest room. Para lang matigilan sa lalaking humarang sa harap ko. Kumunot ang noo ko at tinangkang maglakad sa kaliwa niya pero muli lang siyang humarang sa akin.

"Hi," sabi niya na nakangiti sa akin. Natatandaan kong siya ang kasayaw kanina ni ampalaya girl.

Tipid akong ngumiti at nilampasan siya pero hinabol niya ako. Hinarangan niya na naman ang dadaanan ko.

"Anong kailangan po ninyo sa akin?" walang kangiti-ngiti kong tanong sa kanya.

Naiinis sa pagiging pagngisi niya sa akin. Guwapo ang mokong at halatang big time. Parehas din naman sila ni Hurricane na ngumingisi pero iyong sa kanya namamanyakan ako. Ang sagwang tingnan. Nakakairita.

"You're beautiful, can I have your number?"

"Kapag binigay ko sa 'yo number ko mawawalan ako ng number."

Tumawa siya at napapitlag ako nang haplusin niya ang braso ko. "Nice, you're funny. I like that."

Umismid lang ako at muling naglakad pero ikinagulat ko nang mariin niyang hawakan ang braso ko at hilahin ako pasalya sa dingding.

Kinilabutan ako sa tingin niya sa akin. Ang mga mata niya ay bumaba sa neckline ng suot ko at nanindig ang balahibo ko nang dilaan niya ang labi niya.

"Bitiwan mo ko!" mariin kong pagtulak sa kanya pero tumawa lang siya at hinaplos ang pisngi ko.

Nasa ganoon kaming tagpo nang mapapikit ako nang may kumislap malapit sa amin.

Si Arianne ngising-ngisi habang nakatutok ang cellphone sa amin.

"My god! Why so cheap?"

"Sinabi nang bitiwan mo 'ko!" sigaw ko at sa nag-uumapaw na inis ay tinuhod ko ang pagkalalaki ng aswang na huma-harass sa akin.

Malakas siyang sumigaw at napaluhod habang namimilipit sapo ang pang-ibaba niya.

Pumaling ang mukha ko nang isang malakas na pagsampal ang sumalubong sa akin.

"How dare you na saktan ang kapatid ko! You bitch!" matinis niyang sigaw sa akin.

Mahirap lang ako pero wala sa bokabularyo ko ang magpaapi sa mayamang katulad mo!

Kaya isang malakas na sampal din ang ibinigay ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at sinapo ang pisngi niya.

Hindi na ako nakaiwas nang gigil na gigil niyang hilahin ang buhok ko. Kung sasaktan niya ako kailangan patas kaya naman sinabunutan ko rin siya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagsasabunutan at ramdam ko ang hapdi sa braso ko dahil ang babaeng 'to ay hindi nakuntento at pinagkakalmot din ako.

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon