Chapter 29

6.6K 273 34
                                    

#HGDChapter29

Love yourself

"Thine..."

Agad kong pinahid ang mga luha ko at binalingan si Madam na pumasok sa kuwartong pansamantala kong inokupa sa bahay niya tatlong araw na ang nakakalipas.

"Hay nako, ano ba talagang nangyari sa 'yong bata ka? Tatlong araw ka nang nagkukulong dito. Halos hindi ka na kumakain ah," nag-aalala niyang saad at lumapit sa akin.

Bumaba ang tingin niya sa dalawang bagay na nasa kama na kanina ko pa tinititigan.

"Umiiyak ka na naman, mauubusan ka na ng tubig sa katawan niyan," sabi niya sabay dampot ng blankong cheke at ang kontrata na pinirmahan ni Hurricane.

"Ito ba ang nagpapaiyak sa 'yo o ang taong nagbigay sa 'yo nito?"

Tinitigan ko ang mga hawak ni Madam. Yumuko ako at inilagay ang parehas kong palad sa mukha ko. Ang mga luha ay nag-umpisa na namang kumawala sa mga mata ko. Mga luhang tila walang katapusan. Hindi maubos-ubos.

"T-Thine, ano ba kasing nangyari?" tanong ni Madam at hinaplos ang likod ko.

Tiningnan ko si Madam sa nanlalabong paningin. Iniisip kung ano kayang iisipin niya sa akin kapag ikinuwento ko sa kanya ang katangahan ko. Ang kagagahan ko.

Malungkot siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ko. "Thine, sa tinagal na kitang kakilala, anak na ang turing ko sa 'yo, hindi lang basta tao ko. Pero kung hindi mo kayang ikuwento. Maiintindihan ko pero sana naman 'wag mong gawin 'to. Kahit onti sana, Thine, magawa mong mahalin ang sarili mo. Palagi kong naririnig na paano si ganito? Paano si ganyan? Kailangan kong gawin 'to para sa kanya. Pero ikaw? Paano ka? Kailan mo magagawang piliin ang kaligayahan mo?"

Wala pa akong ikinukuwento kay Madam pero pakiramdam ko alam niya na ang lahat.

"I-Isang gabi, Madam. Isang gabing pinili k-ko ang kaligayahan ko. H-Hindi ko pinagsisihan pero ang sakit-sakit dito!" iyak ko sabay paulit-ulit na hinahampas ang naninikip kong dibdib.

That night ended everything. Matapos ang panandaliang saya, inusig ako ng konsensya ko. Sinampal ako ng katotohanan sa bagay na hindi ko dapat ginawa.

Sa gitna nang paghikbi ay inumpisahan kong ikuwento ang lahat kay Madam. Nang matapos ako ay yinakap niya ako. Walang mga paninisi akong narinig sa kanya o panghuhusga.

"Sa mga ikinuwento mo, kahit hindi niya sinabi sa tingin ko nahulog na rin siya sa 'yo. Kung parehas naman kayo nang nararamdaman, bakit hindi mo magawang pagbigyan ang sarili mo, Thine?"

Umiling ako at humikbi. "Si N-Nico Madam, hindi ko siya kayang iwan. Hindi ko siya k-kayang bitiwan."

"Don't you think you're being so unfair, Thine?"

"I know, Madam. I'm unfair. Kay Nico...kaya nga k-kahit masakit. Kahit mahirap, kailangan kong panindigan ang pangako ko sa kanya."

"You think it's enough? Thine, mas magiging unfair ka kay Nico kung pipiliin mo siya kahit na hindi na siya ang laman niyang puso mo. Kung magigising siya, sa tingin mo hindi mo siya mas masasaktan?"

Lumunok ako at pinahid ang mga luha ko. "Hindi n-niya naman malalaman."

"Hindi man manggaling sa bibig mo ang katotohanan, imposibleng hindi niya malaman. Kakayanin din ba ng konsensya mo ang itago sa kanya ang totoo na nagawa mong magmahal nang iba at naibigay mo ang isang bagay na hindi mo kailanman naibigay sa kanya?"

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Madam at napayuko na lang ako.

"Thine, hindi ka lang kay Nico nagiging unfair kung hindi sa sarili mo pati na rin sa lalaking mahal mo. Wala ng puwesto sa luneta para sa 'yo. 'Wag kang magpakamartir. It's not selfish to love yourself, sometimes choosing your happiness will ease the burden, Thine."

"Paano kong pipiliin iyong taong nasaktan ko na? P-paano ko magagawang magpakita pa sa kanya?" napupuno ng takot at pangamba kong tanong.

"Kung puro takot ang paiiralin mo, Thine. Walang mangyayari sa 'yo, mapupuno ng tanong ang isip mo pero hindi mo kailanman masasagot 'yon kung hindi ka kikilos."

Muli akong niyakap ni Madam at tinapik ang balikat ko bago nilisan ang kuwarto.

***

MABAGAL ang hakbang ko habang patungo sa kuwartong kinaroroonan ni Nico. Malapit na ako roon nang bumukas ang pinto at lumabas mula roon sila Tita Nicole, Jade pati na rin ang ama ni Nico. Kasama pa ang dalawang taong hindi pamilyar sa akin.

"Ate thine!" tawag sa akin ni Jade nang matanaw ako. Pilit kong sinuklian ang ngiti niya.

Kakatwang pare-pareho silang mga nakangiti at tila ba may magandang balita sa akin. Larawan ang kaligayahan sa mga mata nila. Lumapit ako at yumuko bilang pagbati sa kanila.

"Siya ba si Amaranthine? No wonder Nico fell, she's a beauty," nakangiting saad sa akin ng babaeng tila kaedad lang ni Tita Nicole.

"Thine hija, kapatid ko si Grace at asawa niya si Desmond. They're from San Francisco, matagal kaming nawalan ng komunikasyon at hindi ko inaasahang uuwi sila ngayon. T-They're willing to shoulder Nicos' operation fee. Maooperahan na si Nico, hija!" mangiyak-ngiyak na bulalas sa akin ni Tita Nicole na humigpit ang pag-abrisete sa akin.

"T-Talaga po?"

"Oo hija! Sa makalawa na ang operasyon ni Nico. Ilang araw kang walang paramdam at hindi ka rin makontak ni Jade. May problema ba?"

"W-Wala po, naabala lang po ako sa trabaho. Pasensya na po."

"Ate hindi mo na kailangang magtrabaho para kay Kuya," nakangiting sambit sa akin ni Jade.

"Naikuwento sa amin ni Nicole ang mga tulong na ginawa mo para sa pamangkin ko, hija. Napakasuwerte ng pamangkin ko para sa 'yo, ramdam kong kaya hanggang ngayon ay hindi siya bumibitiw ay dahil sa 'yo."

Napalunok ako at ayan na naman ang konsensya sa isipan ko. Dahilan para gustuhin kong pahindian ang sinasabi nila tungkol sa akin.

Nagpaalam sila sa aking ihahatid sa baba ang mag-asawa kaya nagkaroon ako nang pagkakataong masolo si Nico.

Nanginginig ang mga kamay na lumapit ako sa huli. Pinagmamasdan ang mukha niyang humpak na. Hahawakan ko sana ang kamay niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"S-Sorry..."

Iyon lang ang tanging nasabi ko. Dahil hindi ko pa yata kayang sabihin sa kanya ang lahat. Kahit na hindi siya gising, natatakot akong baka marinig niya pa rin lahat. Hindi pa puwede.

Hangga't hindi ka pa ayos...hindi pa ako aalis.

"Aalis ka na Thine? Puwede ka namang mag-stay rito," sabi ni Tita Nicole nang maabutan niya akong papaalis na.

Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang pakikitungo sa akin ni Tita. Gusto ko mang matuwa at magpasalamat dahil sa wakas ay tila natanggap niya na ako ay hindi ko magawa.

"Babalik ho ako sa makalawa..." Kinuha ko ang atm sa bag ko at inabot ko iyon kay Tita. Umiling siya at tinangkang ibalik iyon sa akin.

"H-Hindi na kailangan hija—"

"Tita, malaki pa rin ang gastusin dito sa hospital. Please accept it, ang lahat ng laman niyan ay inipon ko talaga para kay Nico. Hindi ho gaano kalakihan 'yan—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang yakapin ako ni Tita Nicole. Nakaramdam ako nang pagkailang kaya agad akong lumayo sa kanya pero tila balewala lang iyon sa kanya.

"Salamat, Thine at gusto ko sanang humingi ng tawad sa lahat ng mga masasamang sinabi at ginawa ko sa 'yo."

Pilit akong ngumiti. "A-Ayos lang ho 'yon. Ako ho ang dapat humingi ng sorry sa inyo..."

Bago pa siya muling makasagot ay nagpaalam na ako at dinahilan ang trabaho ko kahit na ilang araw na ang nakakaraan nang ipagpaalam na ako ni Madam sa bar na pinasukan ko.

Wala sa sariling lumabas ako ng hospital at sumakay ng taxi. Nang tanungin kung saan ako pupunta ay natigilan ako hanggang sa maalala ko ang mga sinabi sa akin ni Madam.

"Sa High rise c-condo po."

Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Thine?

TBC


Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon