Chapter 41

9K 363 75
                                    

#HGDChapter41

Photos

"Beauty, kapag nagising sila sabihin mo saglit lang ako. Mamaya ka na matulog--"

"Ay nako Mamsh, anong oras ka pa ba aalis? Kanina pa, ulit-ulit ka, kaya ko na rito kahit nga bukas ka na bumalik 'eh," putol ni Beauty sa paulit-ulit kong habilin bago ako umuwi ng bahay para kumuha ng mga gamit namin. 

Binalikan ko nang tingin ang mga anak kong nahihimbing na ng tulog. Bumuntong-hininga ako at kinuha ang bag ko.

"Mamsh, sureness bang ikaw ang uuwi? Puwede namang ako, alas-diyes na rin ah."

Umiling ako. "Baka kung anu-ano lang ang dalhin mo, kaya ko na. Tawagan mo ko kung may kailanganin kayo."

Habang nasa elevator ay minasdan ko ang sarili ko ang repleksyon ko ron at napangiwi sa buhok kong gulo-gulo at namumutla kong mukha. Humikab ako at saglit na napapikit sa naramdamang antok. 

Happy family?

Nang maalala ang mga salitang 'yon mula kay Mattie ay napabuntong-hininga ako hindi maiwasang maawa sa mga anak ko dahil alam kong wala akong kakayahan na ibigay sa kanila ang pamilyang katulad ng meron sa iba. Isang masayang pamilya.

Saktong pagdilat ng mga mata ko ay ang siyang pagbukas ng elevator sa ground floor at tila gusto kong muling pindutin ang close button nang magsalubong ang tingin namin ni Hurricane na lumarawan ang saglit na gulat sa mga mata nang makita ako. 

Mariin akong napapikit bago napapahawak sa noong lumabas ako. Napapailing kong minasdan si Hurricane na sinalubong ang tingin ko. Minasdan ko ang ayos niya na malayo sa formal niyang suot kanina. Simpleng vneck white shirt na pinaresan ng  sweat short ang suot niya. Simple man ay hindi naging hadlang para makakuha siya ng atensyon sa mga tao sa paligid.

"Like what you see?" aniyang umani ng ismid at irap mula sa akin.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" pilit itinago sa pagsusungit ang pagkapahiya na nahuli niyang binibistahan ko ang ayos niya.

Tumikhim siya at kinamot ang pisngi niya na siyang nagpaalala sa akin sa mannerism ni Mattie. "I..." Lumunok siya at frustrated na bumuntong-hininga. "I honestly don't know, I was on my bed preparing to sleep but I found myself going here...I...I want to see them."

"Visiting hours are over, isa pa tulog na sila," napapagod kong tugon sa gusto niyang mangyari.

"Does that mean, I can visit them tomorrow morning?" 

Bumuntong-hininga ako at tumango makaraan ay nilagpasan ko siya nang matantong kailangan ko ring makabalik agad. Wala nang dahilan para pigilan ko pa siya sa gusto niyang mangyari. Bakit ko nga ba kailangang ipagkait ang karapatang meron siya sa mga anak ko? 

Hindi lang ako sa kanya magiging unfair kung hindi pati sa mga anak namin. 

"Amaranthine!"

Hindi ko pinansin ang tawag niya at binilisan ko ang hakbang ko papalabas sa hospital. Pasimpleng lumingon ako at nakahinga nang maluwag nang hindi na siya makita pa. Natutop ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang malakas na tibok ng puso ko. Kinuyom ko ang nanlalamig kong mga kamay bago ko kinuha ang cellphone ko para mag-book ng kotse na masasakyan ko pauwi ng bahay.

Muntik ko nang mabitiwan ang cellphone ko nang mapapitlag ako sa sunod-sunod na busina mula sa kotseng huminto sa harap ko. Heavily tinted man ay hindi ko na kailangang hulaan pa kung sino ang naroon. 

"Hop in!" sigaw ni Hurricane na ibinaba ang bintana sa front seat.

"No need, may nabook--"

"Sasakay ka o bubuhatin kita papasok?" 

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon