Chapter 26

6.5K 271 26
                                    

#HGDChapter26

Lost

"Nahulog ko na iyong pera, Jade. I'll try na maghulog ulit by the end of this week," hinihilot ko ang sentido ko habang kausap si Jade sa cellphone. Bumabagsak ang talukap ng mga mata ko sa kaantukan.

"Salamat Ate, mamayang gabi maililipat na raw ulit si Kuya sa private ward."

"That's good to hear—"

"Good morning Sir," sunod-sunod na bati ang narinig ko mula sa likod ko kaya dali-dali kong ibinaba ang cellphone ko. Paglingon ko ay nakita ko si Hurricane na walang kangiti-ngiting tinatanguan lang ang mga bumabati sa kanya.

Umatras ako nang sa mismong harapan ko siya dumaan. Yumuko ako kahit alam kong hindi niya naman ako susulyapan. Nang makalagpas siya ay napabuntong-hininga ako at pinagmasdan ang likod niya.

"Grabe, playtime lang talaga ni Sir..."

"Gurl, you know Sir Hurricane past time lang niya 'yan—"

"Ay jusko apakadami namang langaw rito. Mai-report nga sa maintenance," sambit ni Sally na tumabi sa akin at tinaasan ng kilay ang mga langaw sa likod namin. "Good morning, Thine!"

Ngumiti ako. "Morning—" Napahikab ako at sunod-sunod 'yon na hindi ko na natapos ang pagbati ko pabalik sa kanya.

"Gurl, parang pagoda ka lagi. Saka jusko papayat ka nang papayat, nakain ka pa ba?" untag sa akin ni Sally na hindi ko nasagot nang bumukas na ang elevator at pumasok na kami.

Napapapikit ako nang maisandal ko ang likod ko sa elevator. "Thine, dito na tayo, okay ka lang ba?" may pag-aalala nang tanong sa akin ni Sally.

"Oo, ayos lang, medyo puyat lang."

"Ano ba naman kasing pinagpupuyatan mo?"

"Sally, bilisan na natin, nauna na si Sir Hurricane sa opis baka masungitan na naman tayo no'n 'eh." Pag-iwas ko sa tanong niya.

Ngumuso si Sally at umabrisete sa akin. "Hay nako, ano ba kasing problema ninyo ni Sir? Nilalamig ako sa inyong dalawa, naiilang ako. Break na ba k-kayo?"

"H-Halika na, 'wag mo na lang kami pansinin."

Bumuntong-hininga lang si Sally at hindi na nangulit pa.

"The two of you are late!"

Tiningnan ko ang relo ko. We're fifteen minutes early. Pero imbes na sagutin siya katulad nang ginagawa ko palagi ay yumuko lang ako.

"S-Sorry po, Sir."

Umismid lang siya. "Prepare my coffee. Please do your job right Miss Costas, your coffee yesterday was too sweet!" Kinuyom ko ang kamao ko pinipigilan na sagutin siya. "Sally, when she's done. Bring it to my office. I want my schedule for today. Also, make sure na wala akong schedule around 6 pm. Cancel it if I have, I have an important thing to do."

"Sir, I reminded you yesterday na may meeting po kayo with Venturina—"

"Didn't you hear what I said? Cancel it!"

Hindi na nakasalita si Sally nang talikuran na kami ng boss namin at pabagsak na isara ang pinto ng opisina niya.

"Pashneya, umagang-umaga, napakainit ng ulo ni Sir! Thine, magbati na kayo please?" mangiyak-ngiyak na baling sa akin ni Sally.

"Hindi naman kami magkaaway, sira."

Sasagot pa sana siya nang magtungo ako sa pantry para ipagtimpla ng kape ang dragon kong boss.

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon