Chapter 32

7.4K 302 87
                                    

#HGDChapter32

Spaceship

"Nay, may assignment po kami," ngumunguyang saad ni Mattie na ugali nang kumain ng biscuit isang oras bago kami maghapunan. 

"Nako basta hindi 'yan english, keribels ni Ninang 'yan," singit ni Beauty na puting-puti ang mukha sa nilagay niya na namang kung ano sa mukha niya. 

"Anong assignment ninyo, nak?" tanong ko habang inaayos ko ang gagamitin kong pang-inject kay Maddie na ang atensyon ay nasa manika na ibinigay ni Beauty kanina. 

"Nay, ayoko na po magpaturo kay Ninang, mali po iyong tinuro niya sa assignment ko!" reklamo ni Mattie imbes na sagutin ang tanong ko.

"Aba't anong mali sa ang taong nagigipit sa bumbay kumakapit! Ganern--"

Hindi natapos ni Beauty ang sasabihin niya nang ibato ko sa kanya ang throw pillow sa kanya.

"Aray mamsh!" eksaherada niyang tili.

"Puro ka kalokohan! Pinaalala mo na naman 'yan, aba't napahiya ako nang kausapin ako ni Ma'am Annie dahil sa sagot na 'yan. Por dyos por santo ka Sebastian!"

Ngumuso ang kaibigan ko at hinawi ang imaginary niyang buhok. "Oo na hindi na mauulit, ako na nga 'tong nagmagandang-loob na turuan 'yang junakis mo--"

Hindi na natapos ni Beauty ang sasabihin niya nang pasakan siya ng biscuit ni Mattie sa bibig. 

"Ninang, 'di mo bagay mag-drama," bungisngis ni Mattie at lumapit sa amin ng kakambal niya. Ayon na naman ang titig nito sa ituturok ko sa kakambal niya. 

Tumabi siya kay Maddie at hinawakan ang kamay ng huli. "Ambal, 'pag masakit pisil mo lang kamay ko ah."

Parehas kaming napangiti ni Beauty sa gesture ni Mattie kay Maddie. Matabil man at madalas na pasaway si Mattie ay umaakto ito bilang nakatatandang kapatid kay Maddie. 

"Kaya ko na Mattie pero salamat," nakangiting saad ni Maddie na hindi kailanman nawala ang ngiti sa labi kahit na nasasaktan o nahihirapan. 

Huminga ako nang malalim bago itinaas ang damit ni Maddie dahil sa tiyan ko naman siya tuturukan ngayon. Maria Madison was diagnosed with a type one diabetes when she turned three.

Iyon na siguro ang pinakamabigat na yugto ko bilang ina kay Maddie. Six years ago when I gave birth, unlike Mattie, ipinanganak kong mahina si Maddie. Mas maliit siya kumpara sa kakambal niya. Mas payat. Palaging sakitin. Then when she turned three, doon ko nalaman na meron siyang type one diabetes at dahil doon ay kinakailangan niya ng insulin sa katawan. 

Hinaplos ko ang pisngi ni Maddie at hinalikan siya sa pisngi. 

"Nay, ako rin!"

"Paturok ka muna," pang-aasar ni Beauty kay Mattie. Natawa ako nang sumimangot ang anak ko bago pa umarangkada ang bibig niya ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. 

Before, palaging umiiyak si Maddie sa tuwing tuturukan ko siya pero nang tumuntong sa edad lima ay ni kahit isang patak ng luha ay hindi niya na ginawa pa.

Maria Matilda and Maria Madison--they're identical twins. Magkamukhang-magkamukha man ay magkaibang-magkaiba ang ugali ng dalawa. Kung si Mattie ay hindi tatagal ang isang minuto na hindi nagdadaldal ay si Maddie naman ay mahilig lang ngumiti pero napakatahimik. 

"Nak, ano ngang assignment ninyo?" 

"Family tree po Nay," tugon sa akin ni Maddie. Nawala ang ngiti sa labi ko sa narinig kong sagot niya.

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon