Chapter 35

8.3K 390 100
                                    

#HGDChapter35

Confrontation

"Sir Jude, hindi po ba talaga puwedeng umuwi na kami?" aligaga kong tanong sa teacher ni Mattie na maiging natahimik na nang bigyan siya ng pizza ng isa pang teacher niya.

"May problema ba, Thine?" tila nag-aalalang tanong sa akin ni Sir Jude.

Umiling ako at pilit na ngumiti kahit ang tibok ng puso ko ay tila nagkakarera pa rin dahil sa tagpong kinasuungan ko kanina.

"May aasikasuhin sana ako p-pero kung hindi puwede ay ayos lang."

"Kung mahalagang-mahalaga ang aayusin mo puwede mo namang iwan na lang si Mattie—"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at mabilis na umiling. "No Sir Jude, a-ayos na pala tatawagan ko na lang si Beauty."

Ni ang bitiwan ang kamay ni Mattie kanina ay hindi ko magawa iyon pa kayang iwan siya mag-isa.

Nasaan na ang sinasabi mong hindi ka natatakot?

Kastigo ng isip ko sa akin at nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa silyang katabi ni Mattie. Pinagmasdan ko ang anak kong ngiting-ngiti sa pagkain ng pizza. Abala na ang isip niya sa pagkain na ikipinagpasalamat ko dahil kanina ay hindi mahinto ang tanong niya tungkol kay Hurricane.

Ano nang gagawin ko?

Kagat-kagat ang labing inilibot ko ang tingin sa paligid. Kinakabahang nasundan niya kami. Gayong alam ko na gaano man kalaki ang school na ito imposibleng hindi muling magtagpo ang landas namin ngayong araw.

Pumikit ako at naalala ang tila apoy sa mga mata ni Hurricane kanina habang tinatanong ako tungkol kay Mattie.

Ikakasal ka na, hayaan mo na lang kami at huwag nang guluhin pa, please...

Sa pagdilat ng mga mata ko ay nakaramdam ako ng mga matang tila nagmamatyag sa akin. Pagtingin ko ilang dipa ang layo sa akin ay nakatayo si Hurricane katabi ang kapatid niyang nakatitig sa anak kong nasa tabi ko.

Tumayo ako at tinakpan si Mattie mula sa kanila. Ngumisi si Light at umiling-iling habang may sinasabi kay Hurricane na padilim nang padilim ang tingin sa akin.

Anong karapatan mong tingnan ako nang ganyan? Wala kang karapatang magalit sa akin...

Isang pisil sa balikat ko ang naging dahilan para maalis ko ang tingin ko kay Hurricane.

"Thine, they already checked the result pasok si Mattie para sa finals. Pupunta na kami ulit sa room for their test. Sorry again, kung hindi ko napansin ang pagkawala ni Mattie kanina. But don't worry, I'll make sure na hindi ko na siya iwawala sa paningin ko. "

Tumango ako at pilit na ngumiti kay Sir Jude. "Thanks Sir Jude," tugon ko sa kanya.

Hinarap ko si Mattie na puno ng ketchup ang gilid ng labi. Paluhod akong naupo at nilinis siya ramdam pa rin ang nakakapasong tingin mula sa likod ko.

"Mattie, pasok ka raw for finals. Please Matilda, 'wag kang aalis nang walang paalam kay Sir Jude."

"Nay, nagpaalam po ako kanina, 'di lang po siguro narinig ni Sir," ngumunguso niyang sagot sa akin. "Nay si Manong nakatingin sa atin. Ba't ba parang galit po siya sa inyo? Guwapo po sana siya kaya lang scary tumingin," bungisngis niya sa akin na nang tingalain ko mula sa pag-aayos sa sapatos niya ay kumakaway sa likod ko kaya mabilis kong inagaw ang kamay niya.

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon