Chapter 15

6.9K 282 67
                                    

#HGDChapter15

Party

"Wow, you're really gorgeous hija, kaya naman pala nasilo mo ang isang Hurricane Helios."

Kimi lang akong ngumiti sa make-up artist na nag-make up sa akin ganoon din sa mga kasama niya na halos tatlong oras na akong inaayusan. Nanlalamig ang kamay na sinuot ko ang biniling kuwintas at hikaw ni Hurricane. 

This is it.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Pakiramdam ko hindi ako 'to. 

"You look perfect."

Mula sa pagkakatitig sa salamin ay bumaling ako sa likuran ko at pinigilan kong mapanganga nang makita ang postura ni Hurricane.

Fine. Aminado akong guwapo siya. This is not even the first time na nakita ko siyang nakasuot ng suit.

So bakit tila isa akong teenager na nakaramdam ng paghanga para sa lalaking nasa harap ko?

Ipinilig ko ang ulo ko at naglakad papalapit sa kanya. Hindi ko maiwasang mailang nang hindi niya magawang alisin ang tingin sa akin.

Tumikhim ako nang huminto ako sa harap niya pero nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin at tila walang balak na umalis kami.

"Are you ready?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot at hindi ko rin tinanggap ang kamay na iniaalok niya sa akin. Tumawa lang siya nang lampasan ko siya tila balewala sa kanya na napahiya siya sa mga nakatingin sa amin.

Wala akong intensyon na pahiyain siya sadyang gusto ko na lang makaiwas sa kanya. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya what more pa kung hahawakan niya ang kamay ko?

Ni hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito na lang kalakas ang kabog ng puso ko. Dahil ba sa kanya--

Hindi. Hindi dahil sa kanya. Kabado lang ako. Tama. Iyon lang 'yon.

"I told you to stop that habit of yours," saad niya sabay hawak sa kamay ko. 

Awtomatikong napatigil ako sa pagkagat sa labi ko sa sinabi niya. Hihilahin ko na sana ang kamay ko nang higpitan niya pa lalo ang kapit doon.

"Ah, wala pa tayo sa party. Puwedeng bitiwan mo kamay ko?"

Ngumisi lang siya at umiling. "You're wearing heels again, you're my date I won't let you trip."

"K-Kaya ko na--"

"What's with you today? You look tense, relax Amaranthine." 

Huminto kami sa harap ng isang mamahaling kotse. Imbes na sa front seat siya magtungo ay iginiya niya ako sa backseat. Meron palang magmamaneho para sa aming dalawa ngayong gabi.

"Listen to me, relax yourself. You look perfect for this party--"

"Kahit na nakasuot ako ng magarang damit, mamahaling alahas hindi pa rin nito mababago kung sino talaga ako. Na ang isang katulad kong ni hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan ay hindi nababagay sa party ninyong mayayaman. Ang isang katulad ko ay hindi kailanman babagay sa lalaking katulad ninyo..."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at itinuon sa mga matatayog na building na nadadaanan namin.

"Ninyo? You mean your boyfriend? Are you like this because you're traumatized with what his family did to you?"

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon