Chapter 20

6.8K 257 23
                                    

#HGDChapter20

Don't

Ano bang problema niya?

Sa isip-isip ko habang pinagmamasdan si Hurricane na masama ang tingin kay Drew. Ibinaling niya ang tingin sa akin at nagsalubong ang kilay niya nang hagurin ng tingin ang ayos ko. Napalunok ako nang mapagtantong long sleeve polo ni Drew ang suot-suot ko na halos umabot sa tuhod ko.

Nawala sa isip kong magpalit sa kakamadali na makaalis kanina. Pero kung ano mang iniisip niya ay mali iyon dahil nilinaw ni Drew na hindi siya ang nagpalit sa akin kung hindi si Manang na nataong nilinis ang apartment niya.

Nanghuhusga ang tingin niya at ang talim ng tingin niya ay nakakailang. Hindi ko alam kung dahil sa lagnat ko kaya nakaramdam ako nang pag-iinit sa buong katawan ko partikular sa mukha ko. Nakabibingi rin ang kabog ng puso ko.

Naputol ang tinginan namin ni Hurricane sa pagtikhim ni Drew.

"Who is he, Thine?" mariing tanong ni Drew.

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako nang maglakad papalapit sa amin si Hurricane. Bago pa tuluyang makalapit ang huli kay Drew ay humarang na ako kay Hurricane. Ni hindi ko maunawaan bakit ganito ang pakiramdam ko. Kung bakit tila ako natatakot dahil pakiramdam ko kung hindi ako papagitna sa kanila ay baka may masamang mangyari.

"B-Boss ko, Drew...Si S-Sir Hurricane Helios."

Kumunot ang noo ni Drew. "Is he telling the truth that y-you're staying with him?"

Umiling ako pero bago pa ako makasalita ay inunahan na ako ni Hurricane.

"Yes, got a problem with that?"

Dumilim ang mukha ni Drew sa maangas na tanong ni Hurricane. Lumingon ako at sinamaan ng tingin si Hurricane para lang mapatda nang makita ang pagtatagis ng bagang niya.

"D-Drew, no. Magkahiwalay kami ng unit..." Lumapit ako kay Drew at hinawakan siya sa braso. "I'll call you, tomorrow...ingat ka sa pagmamaneho."

Tila marami pa siyang gusto itanong pero nang makita ang pakikiusap sa mga mata ko ay bumuntong-hininga siya at iniwan kami. Pinagmasdan ko siya hanggang sa makarating siya sa sasakyan niya. Hindi pa siya tuluyang nakakaalis nang magulat ako sa marahas na paghila sa akin ni Hurricane. Napangiwi ako sa sakit dahil sa higpit ng kapit niya sa palapulsuhan ko.

Mabilis ang hakbang niya na halos makaladkad ako papasok sa elevator. Isinalya niya ako roon papasok at basta na lang pinindot papasara ang elevator kahit may mga papasok pa.

"Ano bang problema mo?!" Hindi ko na napigilang isigaw sa kanya habang kapit ang pulsuhan kong nasaktan.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" pagharap niya sa akin. Napalunok ako at napasiksik sa dulo ng elevator nang maglakad siya palapit sa akin. Pabagsak niyang isinalya ang kamay niyang naging dahilan para makulong ako sa kanya.

"A-Ano bang ginawa ko sa 'yo?" napapaos kong tanong. Ang paningin ay nag-uumpisang manlabo.

Pilit kong nilabanan ang tingin niyang masama pero napayuko ako nang hindi iyon matagalan.

"Ginugulo mo 'ko. Ginugulo mo ang sistema ko...ibinabalik mo sa akin iyong pakiramdam na matagal ko nang kinalimutan!"

Unti-unti ang kalabog na naramdaman ko sa puso ko. Ang pagpintig ay sunod-sunod na nakakaramdam ako ng sakit. Tumingala ako at natagpuan ang sarili kong nalulunod sa tingin ni Hurricane.

"H-Hindi ko alam anong sinasabi mo--"

"Who's that guy?! A-Anong ginawa ninyong dalawa?!"

Kumunot ang noo ko sa mapanghusga niyang tanong.

"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa 'yo. Hindi kasama sa job description ko ang ikuwento sa 'yo ang personal na buhay ko!"

Gusto kong sagutin ng tapat ang mga tanong niya pero iba ang mga nasabi ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Nagtagis ang bagang niya at ramdam ko ang galit niya nang madiin niyang hawakan ang balikat ko at mas lalo akong idiin sa sulok.

"Did you kiss him too while calling your boyfriends name?" puno ng sarkasmo niyang tanong. Naikuyom ko ang kamao ko at ang panlalabo ng tingin ko ay napagtanto kong dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko. "Did he do this to you?!" sigaw niya at mariin na hinalikan ako sa labi.

Isang nagpaparusang halik malayong-malayo sa halik na ibinigay niya kagabi. Itinutulak ko siya pero hinigpitan niya ang kapit sa parehas kong pulsuhan. "How about this?!" humihingal niyang tanong nang pakawalan ang labi ko matapos ay tunguhin ang leeg ko at mariing sipsipin iyon.

Tuluyan na akong napaiyak at kumawala ang hikbi sa akin. Napatigil siya sa ginagawa niya. Sinamantala ko iyon at itinulak ko siya. Nagmamadali akong lumabas sa elevator at kahit na nanghihina ay lakad-takbo ang ginawa ko patungo sa unit ko. Pero napakapit ako sa pinto nang makaramdam ng hilo.

"Amaranthine..." tawag mula sa likod ko. Lumingon ako habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

"M-Mahirap lang ako pero hindi ako bayarang babae. H-Hindi ako pokpok. Hindi kasama sa binabayaran m-mo sa akin ang bastusin ako, Hurricane."

Pumiksi ako nang tangkain niyang hawakan ang braso ko. Pero ipinilit niyang lumapit sa akin at wala na akong lakas para umatras pa nang ilagay niya ang palad sa noo ko.

"You're sick..."

Nanghihina man ay pinalis ko ang kamay niya at pumasok sa loob ng unit. Hindi ko na tinangkang isara pa iyon at basta ko na lang kinuha ang duffel bag sa sofa na naiprepara ko kanina dahil sa tangka kong pag-alis.

"Where are you going?" mahina ang boses na tanong niya na sumunod pala sa akin. Nilingon ko siya at napapalunok siyang tiningnan ang kapit ko.

"I-I quit...ayoko na."

"Y-You have a contract with me--"

"Then, sue me. I-I don't care..."

"Don't..." paghawak niya sa pulsuhan ko nang maglakad ako patungo sa pinto. "Don't leave. You need this job--"

"Kailangan ko ng trabaho pero hindi pa ako ganoon kadesperado para manatili sa p-poder mo." pagalit kong inalis ang kamay niya at nagtuloy na sa pag-alis.

"I'm sorry!" sigaw niya na nakapagpahinto sa paghakbang ko.

"S-Sorry! It wasn't my intention to act like this! I was just--"

Hinarap ko siya na nakapagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Ang mga luha ko ay muling tumulo na tila may sariling mga buhay. Kitang-kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya.

"P-Please do me a favor, Hurricane..."

"What is it? If I do it, will you stay?"

Tumango ako. "I'll s-stay until our contract ends."

"Then tell me...I'll do it."

Pumikit siya at tila hindi nagugustuhan ang tila pakikiusap pa sa akin. Tila hindi niya mapaniwalaan ang inaakto sa harap ko.

"Don't..." Humikbi ako at kahit na hindi ako sigurado sa sasabihin ko dahil alam kong imposible ay itinuloy ko ang pagsambit sa mga susunod na salita. "--fall for me."

"W-What?" halos pabulong niyang tanong.

"Don't fall for m-me..."

Matagal siyang tumitig sa akin larawan ang gulat sa mga mata niya hanggang sa naging blanko ang tingin niya at unti-unting ngumisi. Isang ngising hindi ko alam kung bakit nagdulot ng kirot sa puso ko.

"I won't fall for you even if you beg me to. Never, Amaranthine. I told you before I already learned my lesson. I won't fall for another deception called love."

"That's good to hear--" hindi ko na natapos ang sasabihin nang makaramdam nang pagkaliyo. Naramdaman ko ang pag-angat sa ere nang buhatin ako ni Hurricane.

"I won't fall for you but you can't stop me..."

Hindi ko na tuluyang narinig ang huling sinabi niya nang unti-unti akong hilahin ng dilim.

TBC

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon