Chapter 21

7K 258 26
                                    

#HGDChapter21

Tears

"I won't fall for you but you can't stop me...from feeling this undeniable attraction towards you. I'm attracted to you woman, in ways that I can't explain."

Kumunot ang noo ko sa mga katagang nasabi ko habang buhat buhat ko si Amaranthine na nawalan na pala ng malay sa bisig ko.

Attraction? What's the difference in falling for her to your so-called attraction, fool?

I felt angry with my own thoughts. Ano nga bang pagkakaiba? Hindi ko alam.

But what I'm sure is this is different from my feelings for Ali and Spring. Way different. Hindi ko kailanman ipagpipilitan ang sarili ko. Tanggap ko ang relasyon niya sa lalaking walang kasiguraduhan kung magigising pa. Tanggap kong hindi siya kailanman magiging permanente sa buhay ko. She's only temporary.

Then, why didn't you let her go a while ago?

Kinastigo ko ang sarili ko sa mga tanong na iyon. Nakakaramdam ng iritasyon sa mga nanunuyang tanong sa isipan ko.

Nang maihiga ko siya sa kama at masulyapan ang mukha niya ay kitang-kita ko ang pamumula ng buong mukha niya pababa sa leeg niya. Napalunok ako nang masulyapan ang leeg niyang hinalikan ko kanina. I wanna punch myself when I saw her cry because of what I did and said. Pero hindi pa rin maalis ang inis na nararamdaman ko para sa lalaking kasama niya kanina at sa suot-suot niya na nasisiguro kong pagmamay-ari ng lalaking 'yon.

Who the hell is that guy?!

Hinihingal akong iniwas ang tingin kay Amaranthine. Hindi maintindihan kung saan nagmumula ang galit na nararamdaman. Nabalik ang tingin ko kay Amaranthine nang marinig ang pag-ungol niya. Kunot na kunot ang noo niya at mas lalong pumula ang mukha niya. Hinipo ko ang noo niya at napapikit nang maramdaman kung gaano siya kainit.

Mabilis kong hinugot ang cellphone ko sa bulsa para tawagan ang doktor na kakilala pero nakailang ring na ay hindi pa niya sinasagot. Inis na tinawagan ko si Light na sunod-sunod muna ang tanong na ibinigay sa akin bago sagutin ang tanong ko sa anong gagawin kapag may lagnat.

Ibinaba ko na agad ang tawag nang maintindihan ang mga sinabi niya. I'm such a fool, dapat ay sa internet ko na tiningnan 'eh imbes na tinawagan ko pa ang demonyita kong kapatid.

Paglingon ko kay Amaranthine ay balot na balot na siya ng kumot. Ginaw na ginaw at nangangatal ang labi sa panginginig. Natatarantang sinunod ko ang mga sinabi ni Light. Mabilisang lumabas ako para bumili ng gamot at congee. Pagkadating ko ay diretso ako sa kusina at inihanda ang basin na naglalaman ng yelo at tubig. Kung ano ang sitwasyon ni Amaranthine kanina ay ganoon ko pa rin siya naabutan nga lang ay umuubo na rin siya.

Damn! Kailangan ko siyang punasan para bumaba ang lagnat niya pero paano?!

Napapalunok na pinagbalik-balik ko ang tingin sa bimpong hawak ko at sa kanya. Huminga ako nang malalim at ibinalik ang bimpo sa basin.

"Amaranthine..." tapik ko sa pisngi niya pero umungol lang siya at hindi pa rin nagising. Inalis ko ang pagkakabalot niya sa comforter at napuno na naman ako ng disgusto nang makita ang suot niyang polo.

Sa naramdamang inis ay binuksan ko ang unang butones hanggang sa pangalawa pero napahinto ako nang maramdaman ang kamay ni Amaranthine sa kamay ko.

"A-Anong ginagawa mo?" nanghihina ang boses niyang tanong sa akin.

Mabilis na napatayo ako papalayo sa kanya. "W-Wala akong gagawing masama! Mataas ang lagnat mo kaya pupunasan kita-"

"K-Kaya ko, sana ginising mo ako-"

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon