Chapter 39

9.1K 362 126
                                    

As promise. Update for this week. Been days since we lost our internet connection. It was hard for me to update this, since I am living in a cave *char*. Pahirap talaga si PLDT ☹ Sana next week meron na para sure na maka-update ulit ako.

#HGDChapter39

Announcement

Pinigilan kong maitulak si Light nang makalabas kami ng hospital. Ramdam ko ang pananakit ng patilya ng tenga ko.

Damn it! This woman never change! Amazona pa rin!

"Damn—" Tumikhim ako nang samaan niya ako nang tingin pero nang maramdaman ang pag-iinit pa rin ng tenga ko ay bumalik ang inis ko sa kapatid kong hindi na nagbago ang trato sa akin. "Do you really have to embarrass me like that?!" singhal ko sa kanya sabay lakad paalis kahit na ang gusto kong gawin ay bumalik sa loob at ipilit pa rin ang gusto ko.

Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa kotse kong ni wala sa ayos ang pagkaka-park ko dahil sa taranta sa nangyari kay Mattie.

"Wow! Such a big word, brother, embarrass? Meron ka ba noon? You were fighting with Thine like a freaking gay—"

"Light!"

Pinamewangan ako ni Light. "Look Hurricane, they almost called the police because of what you did. Alam mo ba ang eskandalo na puwedeng idulot noon sa pamilya natin? Nahanginan ba nang masamang hangin 'yang utak mo at ginawa mong kunin iyong bata?"

I'm so fed up with this.

"You don't understand, Light. Wala ka sa posisyon ko! Hindi mo alam kung anong pakiramdam ko kanina habang pinagmamasdan na ibang lalaki ang gumaganap sa posisyong sa akin dapat!"

"For God's sake, Hurricane! Bago mo unahin iyang selos mo sana sampung beses mo munang pag-isipan ang gagawin mo! Dahil hindi biro ang nagawa mo. Do you have any idea how much Thine cried because of what you did? Kung paano mo pinag-alala iyong tao? Lastly, alam kong nasabi na sa 'yo ni Thine pero hindi biro iyong nangyari sa bata, the kid almost died!"

Napapikit ako at napasandal sa kotse ko naalala kung gaano ko paulit-ulit na sinisi ang sarili ko sa nangyari kay Mattie. "I know and I regret it Light, I do...So what do you want me to do?"

"I want you to calm down, Hurricane. Let's solve this problem step by step—"

"This is not a problem, Light. They're my children. Hindi sila problema," putol ko sa sinasabi niya.

Tumawa siya na ikipinagkunot ng noo ko. "What's funny?"

"You...Because as far as I can remember, you told me that having kids is a problem. Too much attention needed and you can't see yourself handling kids, you hate them, Cane."

Tumikhim ako at pumasok sa loob ng kotse para matakasan ang nang-aasar na tingin sa akin ni Light.

"I don't hate them, Light," saad ko nang tumatawa siyang pumasok sa loob.

Women.

One moment they're angry as bull. Next moment, they're happy.

"You just don't like them. But I'm happy, knowing how you wanted those kids."

"Of course, I'll want them because they're mine."

"Sila lang ba o pati ang ina?"

Humigpit ang kapit ko sa manibela at sinimulang pasibarin ang sasakyan saglit na nasulyapan ang singsing sa daliri ko.

"What the hell are you talking about? I'm committed, Light."

Tumawa siya na nakakainsulto. "Really serious about that Vannie girl?"

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon