Chapter 23

7K 258 19
                                    

#HGDChapter23

Jealousy

"How much do you love him?"

"Thine!"

Nang marinig ang sigaw mula sa likod ko ay doon ko iniwas ang tingin kay Hurricane. Napabuga ako ng hangin pagkababa ko dahil pakiramdam ko huminto ang paghinga ko sa tanong niya. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang tanong na 'yon. Hindi ko rin magawang basahin ang emosyon niya nang tanungin niya 'yon.

We made a deal, you won't fall-

Pumikit ako at iwinaglit sa isip ko dahil napakalabong mangyari 'yon. High and mighty Hurricane Helios won't fall for someone like me. Never. Inihanda ko ang isang ngiti at sinalubong si Sister Belle nang mahigpit na yakap.

"Thine! Mas lalo ka yatang gumanda!" kitang-kita ang kasiyahan sa mga matang saad ni Sister. Pero naglaho ang ngiting iyon nang mapunta ang tingin sa katabi ko.

Si Hurricane na hindi ko man lang namalayan na sumunod na pala sa akin.

"Good morning po," sabi niya at hindi ko mapigilang mapataas ng kilay sa paggalang niya.

"Good morning din hijo," sabi niya nang may ngiti sa labi kay Hurricane sabay baling agad sa akin. "Hindi mo sinabing may kasama ka pala Thine?"

"Si Hurricane Helios po, Sister. Boss ko po siya at naparito siya para sa ocular visit dito sa ampunan."

"Ocular visit? Teka-Helios ba kamo?"

Naiilang na iniwas ni Hurricane ang tingin kay Sister nang titigan siyang maigi ng huli. "Ah-Helios, sila pala ang nakabili ng lupa ng Vangelista. Sa kanya mo rin ba nalaman na kailangan na naming umalis dito?"

Gusto kong matawa nang makita ang pamumula ng mukha ni Hurricane. Hindi pa rin magawang salubungin ang tingin ni Sister Belle at hindi na ako magtataka kung bigla na lang siya umalis.

"Teka ngayon mo na ba kami paaalisin kaya nandito ka?" seryosong tanong ni Sister Belle pero nababanaag ko sa mga mata niyang nagbibiro lang siya.

"N-No, of course not Sister. I'm actually here to apologize."

Tumawa si Sister at hinawakan pa ang braso ni Hurricane. Tila close na umabrisete pa siya sa huli. "Binibiro lang kita, ang totoo niyan ay magpapasalamat pa nga kami at binigyan ninyo kami nang palugit at hindi binigla. Halika at tumuloy na kayo sa loob, kanina pa naghihintay ang mga bata sa Ate Thine nila ganoon na rin sila Mother."

Nakangiting pinagmasdan ko ang paglalakad ng dalawa. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Pinagmasdan ang palaruan kung saan inuubos ko ang maghapon kasama ng mga kababata ko. Lumingon ako at tinitigan ang gate na nangangalawang na. Bawat sulok ng ampunan ay may mga alaalang hindi ko kailanman malilimutan.

"Thine!"

Nabaling ang tingin ko sa pintuan ng ampunan. Doon ko namalayang napatagal na pala ang paglilibot ko ng tingin sa paligid. Lakad-takbo akong lumapit sa kanila. Pagpasok pa lang namin sa loob ay nag-unahan na ang mga batang lumapit sa akin. Isa-isa ko silang niyakap at isa-isang hinagkan. Hindi lahat ay kilala ko at mukhang mas nadagdagan pa ang mga bata sa ampunan.

Pinigilan kong maiyak sa isiping kinakailangan nilang magkahiwa-hiwalay. Lumapit ako kay Mother at mahigpit siyang niyakap. Ganoon din ang tatlong madre na sina Sister Jane, Sister Paula at Sister Cora. Huli kong niyakap si Father Agustin.

Lahat sila ay pawang nakangiti pero may pagtatanong sa mga matang nakatingin sa likod ko. Hinila ko sa braso si Hurricane na panay ang libot sa paligid.

"Welcome to my home, Sir Helios." Saad ko sa kanya nang nakangiti at nagmamalaki. Hindi ko kailanman ikakahiya ang tahanang kinalakhan ko.

"Mother, eto nga po pala si Hurricane-"

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon