Chapter 6

7.3K 270 35
                                    

#HGDCh6

Angel

"BOSS! Wala pa akong planong mamatay! Baka pwedeng bumagal ka naman!" sigaw ko pero tila wala siyang narinig at patuloy pa rin sa mabilis na pagpapatakbo.

Palibhasa ay patay oras at nasa highway kami. Walang pulis na huhuli sa amin. Pilipinas nga naman!

Napangiwi ako sa biglaan niyang pagtigil sa gilid ng kalsada. Napahawak pa ko sa leeg ko dahil feeling ko nabalian ako. Masama ko siyang binalingan pero mabilis siyang bumaba.

Pinagmasdan ko na lang siya mula sa loob nang lumapit siya sa babaeng nasa waiting shed.

Napasipol ako nang lumuhod siya at hawakan ang balikat nung babae. Hindi ko masyadong mabistahan ang mukha niya dahil natatabunan ng mahabang buhok.

Sino kaya ang babaeng ito? Girlfriend niya?

Ilang minuto ang nakalipas at binuksan niya ang front seat. Tila isang babasaging kristal na inalalayan niya papasok iyong babae.

Sinilip ko mula sa rearview mirror ang babae.

Maganda. Di lang maganda. Sobrang ganda.

Masyadong maamo ang mukha. Inosente at mukhang anghel.

Nagpupunas siya ng mukha kaya mukhang hindi niya napansin ang presensya ko. Nang magtagal ang titig ko ay mukhang nakaramdam siya.

Nagulat siya at agad akong nilingon. Ngumiti siya na tila nahihiya. "I'm sorry, naistorbo ko ba kayo ni Cane?" saad niya. Nakakaantok ang boses niya. Nakakapanghalina.

Tumikhim si Cane nang hindi ako sumagot.

Agad akong umiling-iling. "Ay hindi po!"

Ngumiti siya at inalok ang kamay sa akin. "I'm Spring...best friend ni Cane."

"Who told you that I'm your best friend?"

Umismid ang anghel at ngumuso.

Ang cute. Pucha.

"Fine. I'm her friend." pagdidiin niya sa huling salita.

"Thine, p-personal assistant niya." saad ko sabay tanggap sa kamay niya.

"Really? You're too beautiful to be his personal assistant...Mas bagay kang girlfriend niya."

Awkward akong ngumiti sa sinabi niya.

"Umayos ka na ng upo, Spring. Mangangalay ka niyan." saad ni Hurricane habang nagsimula nang magmaneho.

Ngumiti sa akin si Spring at umayos na ng upo.

Kung gaano kabilis ang patakbo niya kanina ay siyang kakalma ng takbo niya ngayon.

May naaamoy ako. Matamis.

"Why did you run away like that? Iniwan mo pa ang bag mo kay Torn? Paano kung hindi mo dala ang cellphone mo? Paano kita makikita?"

Sayang. Walang popcorn. May pelikula sa harap ko.

"I'll take a cab tapos magpapahatid ako sa bahay. Or I can just go to Dads' office. Easy, Cane. Malaki na ako."

"Exactly my point. Malaki ka na!Pareho kayo ni Torn! Ano bang pinag-awayan ninyo ng kakambal ko?"

Hmmmm. Kakambal niya? Nag-away? Ibig sabihin siya iyong girlfriend nung kakambal niya?

So ano 'to? Unrequited love? Forbidden love?

Habang nag-iisip ay nagsalubong ang tingin namin ni Spring sa rearview mirror. Mukhang nahihiya sa mga naririnig ko kaya naiilang akong ngumiti at iniwas ang tingin sa kanya. Sumandal ako sa kinauupuan ko at nagpanggap na hindi sila pinakikinggan.

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon