Kabanata 9

104 29 1
                                    

Natapos na ang pangatlong subject namin ng may pumasok na ibang mga studyante na may dala-dalang kartolina na mukhang mga tatakbong officer ata sa University.

"Nagugutom na ako, samahan niyo ako sa canteen. Uy!" Aya sa amin ni Clark na ngayon ay naka-upo sa tabi ko.

"Strategy mo rin no? Papalibre ka lang, eh." Sabi ni Ashley dito.

"Hoy! May pera ako binigyan ako ni mama!" Pagtatanggol nito sa sarili nito.

Sa huli wala naman kaming naging choice kung hindi samahan ito pa punta ng canteen, medyo siraulo nga lang itong si Clark dahil ang paalam nito sa Teacher namin ay pupunta siya sa Clinic nag tatae daw siya , kaya eto si Ma'am pinasama kaming dalawa ni Ashley.

"Ano ayos ba!? Nakalabas tayo?" proud na proud na sabi nito habang nakapila kami sa bilihan ng mga pagkain.

Nakatingin kami pareho ni Ashley sa kaniya at napa-irap na lamang. Nakuha na namin ang order namin at nag hanap kami ng bakanteng table para sa aming tatlo.

"Oy! Ano ka ba? Wag mo nga itago mukha mo, hindi ka makakain ng maayos niyan, eh." Pag sasaway sa akin ni Clark habang inaalis ang kamay ko na nakaharang sa mukha ko.

"Teka! May tinataguan ka ba?" Tanong nito na ikinataranta ko.

"Hoy! Wala no!" Sabi ko rito na ikinatungo lang nito.

Tinanggal ko ang kamay ko na nakaharang sa mukha ko at tumingin tingin sa palagid, halos manlaki ang mata ko ng mahagip ng paningin ko si Zico na mukhang may hinahanap ata. Napatingin ako sa relo ko at nagulat sa nakita.

PoTA 11 AM NA!

“Bakit may problema ba?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Ashley habang nanguya ng kinakain niya. Mapait akong na pangiti at napa-iling. Sigurado ako na kapag nalaman ni Ashley yung tungkol sa kalokohan ng pinsan nito ay magagalit ito sa amin pareho, kaya naman tahimik nalang akong kumain sa tabi nito habang hinaharang ang buhok ko sa mukha ko.

Nasa kalahati na ako ng aking pag nguya ng biglang lumapit si Zico sa table namin dahilan kung bakit nalunok ko ang kinakain ko na spaghetti.

TAngIna!

"Hi cous!" Bati ni Zico sa pinsan nito habang nakabaling ang tingin sa akin, hindi ito pinansin ni Ashley at nag kunwareng busy sa pag pipindot ng cellphone niya dahilan kung bakit napatingin ako kay Clark na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa ni Zico habang hawak hawak niya ang plato niya.

"Can we talk?" Tanong ni Zico habang nakatingin pa rin sa akin.

"Ha?"

"For wh--" sabay kaming napatingin ni Ashley sa isa't-isa, medyo napakuno't ang noo nito ng mag tama ang tingin namin.

"Sia, can we talk?" Pagkla-klaro ni Zico sa sinabi nito. Natulala ako ng mapagtanto ko ang itsura nito, mas lalo itong gwumapo sa uniporme na suot nito.

"Usap para saan?" Takang tanong ni Ashley dito habang nakataas ang isang kilay niya.

"About sa Acads." Maiksing sagot nito naikinalaki ng mata ni Ashley.

"Acads? Excuse me, kailan ka pa nag-aral?" Nagtatakang tanong ni Ashley dito.

"People change." Maiksing sagot naman nito sa pinsan niya, Wala pa sabing lumapit sa akin si Zico at hinatak ako patayo habang hawak-hawak nito ang kanang braso ko.

"Mag pinsan nga talaga kayo." Walang ganang sabi ni Clark habang kinakain ang pagkain niya.

"Let's talk." bulong sa akin ni Zico na ikinakagat ko sa pang ibabang labi ko.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now