Kabanata 4

151 35 1
                                    


Naging tagumpay naman ang presentasyon namin sa araw na iyon. Sa katunayan nga niyan ay kami ang nakakuha ng mataas na score. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti ng mga oras na iyon. Ngunit, napawi na lamang ang ngiti ko nang mag tama ang mata namin ni Natasha na ngayon ay masama ang tingin sa amin.

Ang sama ng tingin nito sa amin, lalo na sa akin, gustuhin ko man na isali siya sa presentation hindi ko magawa sapagkat ayaw nito pumayag sa gusto namin, tsaka unfair din naman sa mga nag hirap na kagrupo ko para mairaos lamang itong reporting namin.

"Don't mind her, she deserve it." bulong sa akin ni Ashley na ikinabalik ko na lamang ng tingin sa guro namin na ngayon ay pinupuri kami.

"Ang galing niyo, sana hanggang finals ay ganiyan pa rin kayo, anyway congrats sa inyo." nakangiting sabi ni ma'am sa amin.

Ilang oras din ng matapos ang reporting namin ay nilapitan kami ni Clark at binigyan ng tag isang mogu mogu...

"Para saan 'to?" takang tanong ni Ashley dito ngunit ningitian lang ito ni Clark kaya naman wala na rin ako dahilan para mag tanong pa rito dahil alam ko na walang kwentang sagot na naman ang sasabihin nito.

"You idiot, akala ko ba lilipat ka sa amin?" Tanong ni Ashley habang nainom ng mogu mogu na bigay ni Clark.

"H-Ha ‘di ba sabi mo ayaw mo 'ko kagrupo?"

"Anong ayaw? Sabi ko puno na kami kaya, hindi kana pwede sumali sa amin." Sabi ni Ashley.

"Pero kung alam ko lang na hindi tutulong si Natasha, edi sana ikaw nalang pinalit namin." dagdag pa nito na ikinatungo ko.

"Eh bakit hindi mo 'ko tinawagan?" Tanong nito dito.

"Ayoko, sayang load."

"Tsk. Ang sabihin mo, crush mo lang ako kaya nahihiya ka na tawagan ako." dahil sa sinabi ni Clark ay naibuga ni Ashley ang iniinom niya sa mukha ni Clark na ikinataranta ko.

"Hala, hoy tissue." Abot ko rito ng tissue na hawak ko.

"F*ck, matakot ka nga sa sinasabi mo." Narinig ko na sabi ni Ashley habang pinupunasan nito ang bibig niya.

"Bakit ako matatakot? Eh totoo naman kasi na may gusto ka sa akin." Mayabang na sabi ni Clark dito na ikinatawa ng malakas ni Ashley.

"Ang kapal talaga ng libag mo eh noh? Ano ka si Ji chang wook para magustuhan ko ha?"

Ji Chang wook?

Hindi ba Actor 'yon sa South korea?

"Tsk. Asa ka naman magustuhan ka non." Mataray na sabi ni Clark dito habang pinupunasan nito ang mukha nito.

"Sa panget mo na 'yan." dagdag nito dahilan kung bakit pinukpok sya ni Ashley ng bote ng mogu-mogu sa ulo.

"Ano sinong panget ha? Ako!"

"Bakit hindi ba obvious ha?"

"Aba gago ka ha!"

"Teka tama na yan!" awat ko sa dalawa na ngayon ay nag rarambulan na, mabuti nalang at huminto na si Ashley sa pag pupupok sa ulo ni Clark.

"Siraulo 'yon akala mo kung sinong gwapo." Naiinis na sabi ni Ashley habang nalabas kami ng room.

Papunta kami ngayon sa Cafeteria para sana kumain kaso napahinto kami parehas ng makasalubong namin ang pinsan ni Ashley at mga tropa nito na may mga bitbit na skate board. Tinitigan ko ang pinsan nito na ngayon ay naglalakad ng nakapoker face, ang sungit nito kung titignan ngunit dahil sa piercing na nasa mapulang labi nito, parang nakakahumaling itong titigan nang matagal.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now