Kabanata 2

233 35 1
                                    

Naging maganda naman ang mga sumunod na pangyayari sa unibersidad na pinapasukan ko. Ang totoo nga niyan ay naging ka close ko na sila Clark at Ashley.

Gayunpaman, break time namin ngayon kaya maingay ang dalawa. Nandito kami sa loob ng classroom dahil hanggang ngayon nahihiya pa rin ako lumabas ng room para kumain sa cafeteria.

"Ewan ko ba sa iyo, hanap ka kalaro mo!" naiinis na sabi ni Ashley kay Clark na ikinainis din nito.

"Ewan ko rin sa iyo." Tumayo si Clark at kinuha ang bag niya at lumabas ng room ng wala man lang paalam sa amin.

"Hala saan pupunta 'yon?" tanong ko kay Ashley na ngayon ay naka cross arms sa tabi ko, mukang pikon din siya sa ginawa ni Clark sa kaniya kanina.

"Hayaan mo siya, Sorry lang hindi niya pa masabi." napatungo na lamang ako sa sinabi nito at kinuha ang lunch box ko.

"T-Teka, Ano pala 'yang ulam mo?" tanong nito habang tinitignan nito ang baunan ko.

"I-Itlog." nahihiyang sabi ko dito na ikinangiti nito.

"Hindi ka pa ba nag breakfast? di ba for breakfast 'yan?" tanong nito habang tinitignan ang itlog sa baunan ko.

Siguro nga sa kanila ay pang umagahan ito, ngunit para sa amin na mahihirap ay para sa pang kalahatan ito ma pa umaga man o gabi. Ito kasi ang madalas na ulam namin sa bahay, eh. Lalo na pag walang pera o pambili ng pagkain.

"U-Uhmm oo pang breakfast nga ito." Sabi ko dito na ikina pout niya, malungkot ito at mukang may iniisip.

"Bakit may problema ba?" tanong ko dito na ikinalingon nito sa akin.

"A-Ahh wala! Naalala ko lang yung pinsan ko kanina." sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Pinsan mo? Bakit?"

"H-Hmm kasi kanina umalis siya ng bahay ng hindi kumakain eh, nag-away kasi sila ni tita kaya for sure hanggang ngayon hindi pa rin kumakain 'yon." Sabi nito.

May pinsan pala siya?

"Nasaan naman siya ngayon? Alam mo ba?" tanong ko rito habang kumakain nakita ko na umiling ito.

"Kaya nga gusto ko sana mag pasama sa'yo para sana dalhan ng pagkain pinsan ko." sabi nito na ikinalingon ko dito.

H-Ha? AkoOoo sasamaaa?

"Saan naman?" Tanong ko dito.

"Doon lang sa tambayan nila, malapit lang naman iyon dito sa school." Sabi nito na ikinatungo ko, tinapos ko ng mabilis ang pagkain ko at sinamahan ito para bilhan ng pagkain ang pinsan niya.

"Hindi ba tayo ma la-late nito?" tanong ko dito habang tinitignan ang nasa paligid ng cafeteria, first time ko kasi makapasok rito kaya hindi maiwasan ng mata ko ang maglikot.

"Ano ka ba mamaya pa yung klase, may kalahating oras pa tayo." sabi nito habang nakapila kami sa tapat ng counter.

"Anyway anong gusto mo? Sige na pili kana libre ko." Sabi nito habang nakangiti sa akin.

"H-Ha? A-Ako? Wag na hahaha nakakahiya."

"Loka ka! Sige na, wag kana mahiya, sige ka baka ma late pa ta---"

"A-Ah sige, chocolate shake." natawa ito ng bigla ako sumagot.

"Okay, bali dalawa na bibilhin ko favorite rin kasi 'yan ng pinsan ko eh." Sabi nito naikinatungo ko. Ang dami niyang alam sa pinsan niya mukang close na close siguro sila.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng University habang hawak hawak namin ang supot ng mga pagkain na para sa pinsan nito, napansin ko na karamihan sa mga nakakasulubong namin ay may mga dalang kaniya-kaniyang skate board.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now