Kabanata 15

78 24 1
                                    


"Feeling ko talaga ikaw yung nakita ko kagabi, eh." Pangungulit sa akin ni Ashley habang nakapalumbaba pa ito.

"H-Hindi, ah. Baka namalik mata ka lang." Pag tatanggi ko rito habang nagsusulat ako sa notebook na nasa ibabaw ng mesa ko.

"Baka nga. Lasing na rin kasi ako kagabi, eh." Natatawang sabi nito habang napapailing-iling pa.

"Pero alam mo ba!? Hinalikan ako ni Clint kahapon sa labi!!! "kinikilig na sabi nito na ikina iling ko at ikinatigil sa pagsusulat.

"Pumayag ka naman?" nakataas na kilay na tanong ko rito na ikinatungo nito habang naka pout pa.

"Bakit naman hindi? Ang sarap niya kaya humalik kagabi." Sabi nito habang kinakagat pa ang ibabang labi nito na ikinairap ko sa ere.

"Porket masarap? Mag papahalik kana?" naiinis na sabi ko rito na ikinabago ng ekspresyon ng mukha nito.

"Bakit ikaw ba may first kiss kana?"

"Kailangan ba 'yon?" walang ganang sabi ko habang binubura ang mali sa na isulat ko.

"Oo naman no! pero tanong ko lang wala ka bang nagugustuhan na lalaki dito sa university? Pansin ko kasi palagi ka nakatutok diyan sa notebook pati libro mo, eh. " Aniya.

Akala mO lAng wAla.

"Ano naman kung wala akong magustuhan? Hindi ko naman 'yon ikakaasenso." sabi ko rito.

Kailangan ko talaga mag tapos sa pag-aaral bago ako pumasok sa mga relasyon na ganiyan, ayoko na gumulo lalo buhay ko dahil sa pagmamahal na 'yan.

"Hays..ikaw din tatanda ka rin dalaga." bulong nito na ikina iling ko nalang.

Mas gugustuhin ko pa tumandang dalaga kesa pumasok sa relasyon na hindi naman ako sigurado kung pang matagalan ba talaga.

"Nagkausap na ba kayo ni Clark? " pag iiba ko ng usapan na ikina wala ng ngiti nito.

"B-Bakit ko kakausapin 'yon? Remember lumipat na siya ng section? Tapos kinalimutan niya tayo."

"Hindi niya tayo kinalimutan, pumunta pa nga si Clark sa birthday ni Daniel kagabi, eh."

"Ha? Paano mo nalaman? "

TangIna! Mahuhuli pa ako dahil sa saRili KonG biBig.

"M-May nakapagsabi lang sa akin." Kinakabahan na sabi ko rito na ikinatungo nito.

Breaktime na ng iwan ko si Ashley sa Cafeteria dahil nag text sa akin si Zico na nasa library daw siya kailangan niya ng tulong para sa ginagawa niyang assignment, mamaya na daw kasi ang pasahan kaya eto ako ngayon nag mamadaling tumakbo papuntang library.

"You are 4 minutes late." Sabi nito habang tinitignan ang Rolex na relo nito.

"Akin na. Asan ba yung sasagutan? " mahinang sabi ko rito na ikinangisi nito.

"Wala na akong tiwala sa sagot mo." sabi nito habang may pinapakita sa aking papel.

"Look 75 lang nakuha ko sa chemistry this sem." Sabi nito habang pinapakita nito ang grade niya naka print sa isang malinis na papel.

"Bakit kaya?" natatawang sabi nito.

EH pOtangina chemistry 'yon! Ano bang alam ko doOn? Eh, hindi nga ako magaling sa science.

"Hmp! Pasalamat ka nga tinulungan pa kita!" Nakangusong sabi ko rito na ikinangisi nito.

"Okay, thankyou sa 75 mo I really appreciate it." natatawang sabi nito na ikina irap ko.

WalanG utAng na lOob. Ampt!

"Pinagpuyatan ko 'yon. Hoy!" naiinis na sabi ko rito na lalong kinalakas ng tawa nito.

"Really? Pinagpuyatan mo? Parang hindi naman."

"Edi wag ka maniwala!" Sabi ko rito.

Dala ng aking inis dito tinalikuran ko ito at naglakad palayo rito ngunit pinigilan ako nito.

"Sumama ka sa akin." Sabi nito habang hawak-hawak nito ang pulsuhan ko.

Hinala ako nito palabas ng library dahilan kung bakit lahat ng tao ay napapatingin sa amin.

"Hoy! Saan ba tayo pupunta?" tanong ko rito.

"Sa classroom." sabi nito na ikinalaki ng mata ko.

Anong gagawin namin doOn?

PotA!?

Huli na para tumakas pa ng ipasok ako ni Zico sa classroom na walang ka tao-tao.

"Hoy! Mahuli tayo rito!" sabi ko dito na ikinatawa nito.

"Ano naman kung mahuli nila tayo?" Sabi nito na ikinakabog ng dib-dib ko ng malakas.

AnOng banG triP niTo sA bUhay?

BakIt parang patI akO DinadaMay NitO?

"S-So, ano ngang gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ko rito.

Napakunot ang noo ko ng ibigay nito sa akin ang libro niya sa chemistry.

"I'll teach you, para next time naman puro tama na masagot mo." Sabi nito na ikinalaglag ng panga ko.

PoTanginA?

"Page 11." Sabi nito habang hinahanap ang white boardmarker.

"So, ano mayroon sa pahinang 'to? " Sabi ko dito habang nalulula sa mga letter at numero na nandito.

"Kabisado mo naman siguro yung periodic table 'di ba? " Tanong nito na ikina iling ko habang kinakagat ang ibabang labi ko.

PotA? kailAngan ba kabiSaduhin 'yOn?

"I see." Aniya niya.

"Pero alam mo naman siguro yung pinag ka iba ng solid, liquid pati gas 'di ba?" tanong nito habang nakatingin sa akin.

"O-Oo naman! Wag mo nga akong gawing bobo." Sabi ko dito na ikinangisi nito habang nakasandal sa white board.

"Okay, kung ganun naman pala. Can you please explain it to me yung pinagkaiba nilang tatlo?" Sabi nito na ikinalunok ko ng laway ko.

"Wala pa tayo sa basic ng chemistry." Seryosong sabi nito habang tinitignan ako.

"Ayoko na! babalik na ako sa classroom." Sabi ko rito na ikinatawa nito.

Naiinis ko na sinara ang libro nito sa harapan nito at tumayo para sana lumabas ngunit pinigilan ulit ako nito.

"We're not done." Sabi nito sa akin na ikina bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit nito sa akin.

"Wala akong alam sa chemistry na 'yan, kaya ikaw nalang! Tutal matalino ka naman ikaw na mag sagot niyan." naiinis na sabi ko rito bago ko ito iniwan sa loob.

Halos kumabog ng malakas ang dib-dib ko nang makita ko na marami na pa lang estudyante ang nakapila sa labas sa tapat ng room na kung saan naroroon kami ni Zico. Nagkaroon tuloy ng bulong-bulungan lalo na ng lumabas si Zico mula sa classroom na iyon dahilan kung bakit binilisan ko ang lakad ko.

TanginA talaga!

"Why are you walking so fast? May gusto kaba sa akin?" Wala sa sariling sabi nito habang hinahabol ako nito sa pag lalakad na ikinatigil ko naman.

AnO daw!?

----------------------------------------
- Padayon 💓

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now