Kabanata 18

82 24 2
                                    

"Ilan ka?" Tanong ko kay Ashley habang tinitignan din nito ang test paper niya.

Nakita ko na bumusangot ang mukha niya ng isa-isahin niya tignan ang mga test paper na hawak niya.

"Bakit?" Tanong ko rito habang nag la-lakad kami papunta ng library.

"Hindi ito yung ine-expect ko na score na makukuha ko." Sabi nito habang nakabusangot.

"Ikaw ba?" Tanong sa akin ni Ashley na ikinangiti ko lamang dito.

"Okay lang."

"Ha? Patingin nga." Sabi niya sabay agaw ng papel ko.

"Hayp ka! 50/50? Okay lang!?" Sabi nito habang hawak-hawak nito ang test paper ko.

"WAHHHHHHH!! Sana talaga nangopya nalang ako sa iyo." Nagmamaktol na sabi sa akin ni Ashley na ikinatawa ko na lamang habang nikakamot ko ang ulo ko.

"Congrats Top 1" Narinig ko na sabi sa akin ni James nang makasabay namin ito sa paglalakad papunta sa library.

"Ha?" Takang tanong ko rito na ikinangiti lang nito.

"Ay...Hindi mo pa ba alam?" Tanong ni James sa akin na ikinakunot ko agad ng noo ko.

"Ano ba sinasabi mo?"

"I see...Anyway here." Mabilis ko kinuha ang Cellphone nito upang makita kung ano ang tinutukoy nito. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang pangalan ko sa unahan.

"98."

"Ha?" Takang tanong ni Ashley.

"Omg!!!!! Congrats siz!!!!!!" Tuwang-tuwang sabi sa akin ni Ashley habang niyayakap ako nito nang mahigpit.

"Salamat James, ha." Sabi ko kay James habang sinusuli ang Cellphone nito.

"Congrats ulit." Sabi nito bago kami iwanan.

Halos buong araw hindi nawala ang laki ng ngiti ko. Alam ko na matutuwa lalo sila nanay kapag nalaman nila itong grade ko.

"Pakain ka naman diyan!" Natatawang sabi sa akin ni Ashley na ikinatawa ko rin.

"Wala akong pera hahaha."

"Edi libre ko!" Pag pri-prisinta nito na ikina iling ko agad.

"Nakakahiya, wag na." Sabi ko rito.

"Ano ka ba!? Minsan lang kaya mangyari 'to sa buhay natin. Tsaka, Hello! deserve mo kaya ilibre." Wala naman na ako nagawa kung hindi pumayag sa gusto nito. Makulit kasi si Ashley, gusto nito palagi nasusunod ang mga sinasabi niya.

"Mahal dito, Ash." Sabi ko rito habang hila-hila ako nito.

"Ano ka ba! Sulit dito! Eat all you can 'to, noh!" Sabi nito na ikinangiti ko na lamang.

Pumasok kami sa loob ng Vikings at kumain ng mga kung ano-ano doon, dahil sa sobrang kasibaan namin ni Ashley kumain halos hindi na kami makalakad pa punta sa Timezone.

"Dito muna tayo, Ash." Sabi ko rito habang na upo sa gilid na ikinatawa nito ng mahina.

"Ang hina mo naman." Sabi nito habang na upo sa tabi ko.

"Hindi kita pwede maging ka food buddy niyan, kung mabilis ka mabusog HAHAHA" natatawang sabi nito na ikinatawa ko rin.

"Oo nga, eh. Kayo talaga ni Clark ang maka food buddy." Sabi ko rito na ikinawala ng ngiti niya.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya na ikina tingin naman nito sa ibang direksyon.

"Mag kaaway pa rin ba kayo?" Tanong ko kay Ashley na ngayon ay hindi makatingin sa akin.

"No, but umamin siya sa akin kahapon." Sabi nito na ikinagulat ko.

PoTaaaaaaaa!!!!!!!!

SeRyOsoOoo BaAAAAA!?????

"Ano sinabi mo?" Tanong ko sa kaniya na ikinayuko nito sa harapan ko.

"Hindi ko alam Sia." Nakayukong sabi nito habang pinaglalaruan nito ang dailiri niya.

"Magulo, eh."

"Paanong magulo?" Tanong ko rito.

"You know naman na I have feelings sa step brother niya." Sabi nito sa akin na ikinatungo ko.

"But, nung umamin si Clark sa akin, pakiramdam ko parang mas lalo ako naguguluhan sa sarili ko."

"What do you mean?" Tanong ko rito.

"I'm not sure if may feelings din ba ako sa kaniya. Nahihirapan ako Sia." Sabi nito.

Parang ako rin nahihirapan para sa sitwasyon ng kaibigan ko pero "Hindi ka mahihirapan, Ash. Kung susundin mo 'to." Sabi ko sa kaniya habang naturo sa kaliwang dib-dib niya.

"Kaso, parehas sila mahalaga sa akin." Nahihirapang sabi nito.

"Sobrang nagugulahan na ako." Sabi nito na ikinayakap ko na lamang dito.

Nakauwi ako sa bahay nang makita ko si tatay at nanay na nag lilinis ng bahay namin, lumapit ka agad ako sa mga ito at nag mano. Gayunpaman, binigay ko sa kanila agad ang mga test paper ko na ikinatigil nila parehas sa pag lilinis.

"Wow! Ang galling naman!!!!!" nakangiting sabi ni nanay sa akin habang niyayakap ako.

"Congrats anak!"

"Kumain kana ba?" Tanong ni mama sa akin na ikinatungo ko.

"Opo, kumain na po kami ni Ashley sa labas." Sabi ko sa mga ito na ikinangiti nila nanay at tatay.

Sa sumunod na araw nakita ko na nagkukumpulan ang mga kaklase ko sa tapat ng classroom namin, kaya naman na curious ako at tinignan din ang tinitignan nila.

"Gosh. Ang panget naman ng taste ng school natin, yung transferee na naman yung nasa top 1." Rinig ko na sabi ni Kim na nasa gilid ko lamang.

"Mas pa-panget yung taste kapag ikaw yung nakalagay diyan." Nakatingin na sabi ko rito na ikinalingon nito sa akin.

"What the hell." Sabi nito ng makita ako, nag si alisan naman agad ang mga ito at nag si pasok sa loob ng classroom namin habang ako ay nakatingin pa rin sa mga listahan ng mga nasa top.

Si Zico kaya? Anong grade niya?

Ang alam ko exemted siya sa test nila dahil sa nangyari sa kaniya.

Kamusta na kaya siya?

"Top 1?" Napalingon agad ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Zico.

"Nice." Sabi nito habang nakikipagtitigan ito sa aking mata.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko at niyakap ito agad. Siguro ay dahil sa nasabik ako na makita siya na magaling na.

"Mabuti naman okay kana." Sabi ko dito habang nakayakap pa rin.

"Y-Yeah." Sabi nito bago ko inalis ang yakap ko dito.

"A-Anyway Congrats." Sabi nito habang na tingin sa ibang direksyon.

"Salamat." Nakangiting sabi ko rito na ikinatungo lamang nito.

"Una na ako, may klase pa kami." Paalam ko rito na ikinatungo nito.

"Goodluck sa exam mo." Sabi ko rito bago sana pumasok sa room namin.

"Wait." Tawag nito sa akin na ikinatigil ko sa pag bukas ng pinto ng Classroom namin.

"Bakit?" Kunot na noo ko na tanong dito habang nakatingin dito.

"Thank you." Sabi nito habang nakangiti na ikinalaki rin ng ngiti ko.

"Para saan?" Nakakunot na noo na tanong ko rito habang nakangiti.

"Nothing, just forget what I've said." Sabi nito bago ako iniwan sa tapat ng room namin mag-isa.

Wala sarili na natawa ako sa inakto nito.

"Baliw." Mahinang sabi ko habang tinitignan siya sa malayo.

Pero akalain mo 'yon? Marunong pala siya mag thank you.

----------------------------------------

- Padayon 💓

Unloving you (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن