Kabanata 36

58 7 2
                                    

Sa kasalukuyan, tinanggap ko na ang offer ni Zico sa amin. Naging maayos naman ang lahat lalo na ang takbo ng negosyo namin. Lumakas ang kita tulad ng aming inaasahan.

"Sasama ka ba?" tanong sa akin ni Clark habang tinutulungan ako nito mag ligpit ng pinagkainan ng mga customer namin.

"Oo. Saglit lang naman 'di ba?" Pagod na tanong ko dito na ikinatungo lamang nito sa akin.

Nang maisara na namin ang restaurant namin dumaretso na kami agad ni Clark sa grocery store. Kumuha agad ako ng malaking cart at tinulungan ito pumili ng mga kailangan bilhin para sa restaurant namin.

"Oy mag dahan-dahan ka nga." Nag-aalalang sabi nito sa akin ng may mabangga akong ibang cart. Tumungo na lamang ako at nag sorry doon sa babaeng nabangga ko.

Inaantok na talaga ako ng mga oras na iyon, kaya naman parang wala ako sa sarili na nagtutulak ng cart dito. Ngunit, nawala lamang ang antok ko ng may nakita akong pamilyar na tao.

PotA!?

AnOng ginagawa niya ditO?

AkalA kO ba nAsa Australia siyA?

"Zico!" Rinig ko na tawag sa kaniya nung babae na may hawak-hawak na gatas ng baby.

PoTa?

"Let's go! I already see what Jamie need." Sabi nung babae na ikinakunot ng noo ko.

Jamie?

"Are you sure? Ayan lang ba kailangan ni baby?" Tanong ni Zico dito.

Baby?

Anak nila?

Hindi ko na narinig pa ang sunod na pinag-usapan nila dahil hinila ako ni Clark sa bilihan ng mga gulay.

"T-Teka. May nakalimutan ako kunin doon." Paalam ko dito na ikinakunot ng noo nito.

"Saan? Samahan na kita." Sabi nito na ikinailing ko agad.

"Sige. Basta bilisan mo, ah."

"Kung hindi ikaw ibabayad ko sa pinamili natin ngayon." Sabi nito na ikinairap ko na lamang at tumakbo pa-punta sa doon.

Nang makapunta na ako doon bigo ako na makita sila, kaya naman nilibot ko ang buong grocery's store at nakita silang nasa counter na nag babayad ng pinamili nila.

Nakita kong puro gamit ng baby ang mga pinamili ng mga ito. Napakuyom ang kamao ko ng mga oras na iyon lalo na nang makita kong hinawakan ni Zico ang bewang ng babaeng kasama nito.

Parang sumabog sa galit ang puso ko ng mga oras na iyon, dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na mahal pa rin ako ng lalaki. All this time, nag tiwala ulit ako sa taong binigyan ko ulit ng tsansa sa puso ko kahit pa niloko ako nito noon. Ngunit, mali ako! Mali ako sa parteng binubuksan ko ulit ang puso ko sa lalaking hindi deserve ang pagmamahal na mayroon ako.

Mapait akong napangiti at naglakad palayo sa mga ito. Masakit. Sobrang sakit para sa akin na malaman na may anak na siya sa ibang babae.

"Oy! Anong nangyari sa iyo? Akala ko ba may kukunin ka lang?" Tanong sa akin ni Clark nang makita ako nitong naglalakad palapit sa kaniya.

"W-Wala na. Nakuha na ng iba." Sabi ko dito habang pinipigilan ang aking sarili na maiyak.

"Okay lang 'yan! Marami pa namang iba diyan." Sabi nito.

Gayunpaman, nakauwi ako ng araw na iyon sa Hotel room ko ng balisa at wala sa sarili. Pagod na pagod bumagsak sa aking kama at napahagulgol nang malakas habang nakahawak sa malabot na unan.

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon kakaiisip sa nakita ko, kaya naman sa sumunod na araw, hindi ako pumasok sa restaurant at nagkulong sa kwarto ko. Tiniwagan ko agad si Clark at sinabing may sakit ako.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now