Kabanata 23

75 11 1
                                    

"Tara na?" Tanong ko kay Zico nang makita ko ito nag aantay sa labas ng room namin. Nag text kasi sa akin ito kanina, nag-aaya pumunta sa mama niya. Wala naman ako nagawa kung hindi pumayag, wala rin naman ako gagawin, eh.

Wala naman na si nanay sa bahay, habang si tatay lagi naman lasing.

"Yeah." Sagot nito.

Nauna na ito nag lakad bago ako sumunod dito at sumakay sa mamahaling kotse nito. Ang totoo niyan simula nung mawala si nanay, palagi na nasa tabi ko si Zico.

"Seatbelt mo." Mahinang sabi nito sa habang tinitignan ako.

At, dahil hawak ko ang bag ko hindi ko maabot nang maayos yung seatbelt, kaya naman si Zico na ang gumawa nito para sa akin. Sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin pakiramdam ko tuloy naramdam nito ang pag pigil ko sa aking pag hinga.

"Kumain kana ba?" Tanong nito matapos nito ikabit ang seatbelt sa akin.

"O-Oo." Nahihiyang sagot ko rito na ikinatungo-tungo lamang nito.

Nakarating kami sa ospital nang mabilis dahil walang traffic. Gayunpaman, nakita ko agad ang mama nito na nag aasikaso ng pasyente kaya naman wala ako nagawa kung hindi titigan ito habang si Zico ay lumalapit sa pwesto nito.

"Son." Nakangiting bati sa kaniya ng nanay niya nang makita siya.

Bigla tuloy ako nainggit at naalala si nanay.

"Mom, Sia is here." Narinig ko na sabi ni Zico na ikinangiti ko sa ginang.

"Ow." Tumayo agad ito at pumunta sa akin.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na isasama mo girlfriend mo." Sabi nito habang nakatingin sa akin na ikinalingon ko kay Zico na ngayon ay umiiwas ng tingin sa akin habang nag ka-kamot ng kaniyang batok.

Girlfriend pala, huh?

"H-Hello po." Nahihiyang bati ko rito na ikinangiti nito habang inaayos ang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko.

"Sabi na nga ba, higit pa sa kaibigan ang mayroon kayo ng anak ko, eh. But, anyway she's pretty, mabuti naman at magaling kang pumili." Pang-aasar sa amin ng mama ni Zico na ikinatawa lamang namin pareho.

Sobrang bait ng mama ni Zico.

Nag tataka tuloy ako kung bakit nag hiwalay ang magulang nito. Mabait naman kasi ang nanay ni Zico, maganda rin ito. Mala down to earth. Kaya sobrang nag tataka talaga ako.

Sino kaya ang nakipaghiwalay?

"Wag kana mahiya, kumain kana." Bigla ako natauhan nang maalala ko na nasa isang restaurant pala kami kumakain malapit sa ospital. Inaya kasi kami ng nanay nito na kumain sa labas, wala naman ako magawa kung hindi pumayag sa gusto nito dahil parehas ito ni Ashley na makulit din.

Namiss ko tuloy si Ash.

"Kamusta ang pag-aaral niyo? Balita ko top 1 ka daw, ah." Tanong sa akin ng nanay nito na ikinatigil ko sa pag nguya.

"O-Okay naman po tita." Sabi ko dito na ikinangiti nito.

Hindi ba siya nangangalay sa kakangiti sa akin?

"At, ikaw? Kamusta ang pag-aaral mo?" Tanong nito kay Zico na ikinangisi lamang nito.

"Pwede na." Walang ganang sagot nito dito na ikinatawa ng mama niya.

"Hahaha duda ako diyan sa sagot mo." Sabi nito habang natawa na ikinatawa ko rin.

"Hey. Why are you laughing?" Napipikon na tanong sa akin nito na ikinatigil ko sa aking pag tawa.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now