Kabanata 35

73 9 5
                                    

Habang ako ay naglalakad pa puntang restaurant, hindi ko mapigilan maalala kung paano kami huli nag kita ni Zico. Naiinis pa rin ako sa ginawa nito lalo na sa Cellphone ko.

"Wala pa si Clark?" tanong ko nang makapasok ako sa restaurant namin.

"Wala pa po ma'am." Sagot nito na ikinatungo ko na lamang at dumaretso sa opisina naming dalawa.

"S-Shit! Anong ginagawa mo dito!?" Napahawak ako sa dib-dib ko sa gulat nang makita ko si Zico sa loob ng opisina namin nakaupo sa chair ko.

"Wala naman na miss lang kita." Sabi nito na ikina pula ng pisngi ko.

"A-Alam mo!? Hindi mo ako madadala sa mga ganiyan mo! Tumabi ka nga diyan!" Sigaw ko dito habang tinutulak ito patayo sa upuan ko.

He laughed "Paano kung ayoko!?"

Inaasar niya ba ako!?

"Kung sapakin ko kaya iyang pag mu-mukha mo." Sabi ko dito habang pinapakita dito ang kamao ko.

"Sige lang, basta kiss ang kapalit." Sabi nito habang nanguso pa na ikinatingin ko naman sa labi nito.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ko na hinapit nito ang bewang ko palapit sa kaniya, kaya naman napakandong ako sa isang hita niya.

"A-Ano ba!? Bitawan mo nga ako." Naiinis na sabi ko dito habang tinatanggal ang kamay nito na nakakapit sa bewang ko. Ngunit, hindi niya pinansin ang sinabi ko mas lalo pa nga nito hinigpitan ang hawak niya.

"I miss you." Bulong nito sa tenga ko na ikinatibok nang mabilis ng puso ko.

"T-Tumigil ka nga diyan! Hindi kana nakakatuwa. Sa---" Nanlaki ang mata ko ng bigla ako nito sinunggaban ng halik dahilan kung bakit hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko.

Naramdaman ko na agresibong gumalaw ang labi nito sa labi ko. Napatingin ako dito at nakita kong nakatingin ito sa akin at hinihintay ang tugon ko.

At, dahil marupok ako at gustong-gusto ko ang ginagawa nito. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na magpatangay sa halik nito hanggang sa hindi namin namalayan na lumalalim na pala ang halik namin pareho at naramdaman na lamang ang sarili ko na nakapatong na ako sa table ko.

"A-Ay potangina. Live Porn." Halos tumayo ang balahibo ko nang marinig ko ang boses ni Clark mula sa pinto. Tumayo agad ako nang maayos at inaayos ang sarili ko.

"A-Ahh Ano... May kukunin lang ako." Nahihiyang sabi nito habang kinukuha ang gamit niya sa drawer ng table niya. Napatingin ako ng masama kay Zico ng mga oras na iyon at minumura siya sa isipan ko. Ngunit, nginisian lamang ako nito.

"Potangina mo." Mahinang bulong ko dito na ikinatawa lang nito sa gilid ko.

"A-Ayun nakita ko na." Rinig ko na sabi ni Clark. Hindi ako makatingin dito kaya napayuko na lamang ako at kinagat ang ibabang labi ko. Nakakahiya.

"S-Sige na tuloy niyo na 'yon HAHHAHAA" Natatawang sabi nito sa amin.

"Sorry sa abala." Sabi nito habang dahan-dahan sinasara ang pinto.

Humarap agad ako kay Zico nang makita kong sarado na ang pinto. Sinampal ko ito at iniwan siya doon at dumaretso sa restroom. Napahilamos agad ako ng mukha ko at napatingin sa salamin ng mga oras na iyon.

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko habang nakatingin sa salamin na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at kiligin lalo na't naaalala ko kung paano ako hinalikan ng lalaki kanina.

Ngunit, napawi ang ngiti ko nang maalala ko na may modelang nobya nga pala ito. Gusto ko pukpukin ang ulo ko ng mga oras na iyon dahil bigla ko naalala iyon.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now