Kabanata 6

129 32 2
                                    


"May practice tayo sa p.e mamaya ha, sasama ka ba?" Tanong ni Clark sa akin habang nag hahanap kami ng libro sa library.

"Pag-iisipan ko, baka kasi hindi ako payagan ni mama, e." Sabi ko rito.

"Ganun ba? Sayang naman kila Ashley pa naman daw tayo mag pra-practice ng sayaw." Parang kuminang ang mata ko ng marinig ko ang sinabi nito.

Kila AsHLey?

"Sige, anong oras ba?" Tanong ko rito na ikinatingin nito sa relo niya.

"Mga 3 pm pa." Sabi nito na ikinatungo ko.

Nakita ko naman na yung librong hinahanap ko para sa research namin, binuksan ko kaagad iyon at umupo sa upuan na malapit lamang sa mga lagayan ng mga libro.

"Oh' nandito pala kayo." Napalingon kami parehas ni Clark kay Ashley na ngayon ay nakatayo sa tabi namin.

"Bakit, anong kailangan mo?" tanong ni Clark dito na ikinatingin ni Ashley sa kaniya.

"Will you please shut up Clark? Hindi ikaw kailangan ko." mataray na sabi ni Ashley dito.

"Edi wow."

"Anyway, Sia pwede mo ba ako samahan sa labas. May titignan lang tayo. Promise, saglit lang." Pangungulit nito sa akin na ikinangisi ni Clark sa gilid ko.

Alam ko na may balak na naman ito na isama ako papunta sa pinsan niya, kaya naman hindi na ako nag atubili pa kinuha ko na ang bag ko at binigay ang libro kay Clark.

"H-Ha? Ano 't---" mabilis ko na tinakpak ang bibig nito gamit ang isang kamay ko upang hindi makagawa ng ingay ang bunganga nito sa loob ng library.

"Ikaw na muna bahala diyan, babalik din naman kami agad." Sabi ko kay Clark na ikinabuntong hininga nito ng malalim ng tanggalin ko ang kamay ko sa bibig nito.

"Bahala kayo." Nagtatampong sabi nito.

"Sus, nag drama pa hindi naman bagay sa'yo... Tara na nga Sia." mabilis ako nahatak ni Ashley palabas ng library at nag tagumpay na makalabas sa loob ng unibersidad.

"Hi, cous!" Nakangiting bati ni Ashley dito ng makarating kami sa basketball court kung saan kasama nito si Daniel at mga ibang kaibigan nito.

"Hi Ashley." Bati sa kaniya nung babaeng nakapulupot sa hita ng pinsan niya na ikinainit ng ulo ko.

Sino naman 'to?

"Ow' you are with Sia pala, tara upo kayo dito." nagulat kami pareho ni Ashley ng ayain kami ni Daniel na umupo sa tabi niya, medyo nag tataka nga siguro si Ashley kung paano ako nakilala ni Daniel.

"S-Sige lang, hindi naman kami mag tatagal. I'm just here para kausapin si cous." Mabilis na tinunguan ni Ashley si Zico dahilan kung bakit binitawin nito ang babeng nasa hita niya at sinundan kami palabas ng court.

TekA bakit ba ako sumama pa?

"Cous, I need to talk to you." Narinig ko na sabi ni Ashley dito.

"What?"

"Your dad is here in Manila with your step sis, pumunta sila sa bahay kanina nung nakaalis kana."

"I know." Walang ganang sagot ni Zico dito.

"Then? What? What do you want me to do? Mag pa-party ako?" Tanong nito habang nangisi-ngisi pa.

"N-No cous...Sinasabi ko lang 'to sa'yo dahil baka kasi mahuli ka ni tito na nag cu-cutting ka." nag-aalalang sabi ni Ashley na ikinatawa lamang ni Zico.

"Hahaha don't mind me okay? Kaya ko sarili ko, wala akong pake kay dad. Did you get it?" naglakad ito ulit papasok sa court at iniwan si Ashley sa labas na nag aalala pero bago 'yon ay napatingin ito sa gawi ko tinitigan ako nito saglit sa mukha ko, dahilan kung bakit tumitibok na naman ng mabilis ang taksil ko na puso.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now