Kabanata 22

74 11 1
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nung mangyari iyon sa tatay ni Zico at hanggang ngayon hindi ko rin alam kung kamusta na ang mga ito, absent kasi sila parehas mag pinsan kaya wala na rin ako balita sa mga ito.

"Pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit inatake sa puso tatay ni Zico." Paninisi ko sa sarili habang nakaupo kami ni Clark sa hagdan.

"Hindi mo naman kailangan isisi sa sarili mo." Sabi nito na ikinalingon ko naman agad dito.

Bakit naman hindi?

Eh, ako nga ang dahilan kung bakit inatake ang tatay ni Zico.

Kung hindi lang sana ako pumunta doon, edi sana wala akong iniisip na ganito ngayon.

"May rason kung bakit nangyari 'yon sa tatay ni Zico."

"Ikaw ba naman lagi highblood sa anak mo, ewan ko nalang kung hindi ka atakihin." Nangising sabi nito.

"Kaya wag mo na isipin pa 'yon. Hindi mo naman kasalanan na ikaw ang girlfriend ni Zico, eh." Sabi nito na ikinahampas ko ng mahina sa braso nito.

"Hindi ko nga siya sabi boyfriend, eh." Sabi ko dito na ikinatawa lamang nito habang nahawak sa tiyan niya.

"Talaga? HAHAHAHAH Matapos namin kayo makita nag hahalikan sa harap namin sa tingin mo maniniwala pa ako, ha?" Natatawang sabi nito na ikinairap ko rito.

PinaAlala pa!

KAinis.

"A-Ano ka ba!? W-Wala lang 'yon, noh!" Sabi ko rito na ikinatawa nito ng malakas sa tabi ko.

"Really? Kaya pala natulala ka matapos ka halikan ni---"

"NYENYENYE!!! WALA AKONG NARIRINIG!" Panggugulo ko rito habang tinatakpan ang tenga ko na ikinatawa lamang nito sa tabi ko.

Buong mag damag kami mag kasama ni Clark nung araw na iyon, wala rin naman kasi kami ginawa non, kaya nag laboy-laboy na lamang kami kung saan-saan. At, dahil pauwi na kami hindi ko napigilan ang sarili ko na buksan ang facebook ko habang ako ay nasa byahe.

Nakita ko na naka online si Ashley kaya kinamusta ko ito, ilang minute ang lumipas bago ito sumagot sa chat ko, kaya naman dali-dali ko binuksan ang message nito.

Ashley Dela Fuente: I'm fine. Tito's also fine now.

Sabi nito na ikinangiti ko naman, mabuti naman kung ganon.

Sa sumunod na araw, tanghali na ako nagising at sa pagkakataon na iyon sinamahan ko si nanay mamalengke sa labas kaya naman todo kami sa pag ikot sa palengke para makahanap ng mura.

"Ang dami na nito, ma." Sabi ko kay nanay nang mapuno na namin ang basket na dala namin. At, dahil nga bigat na bigat na ako sa binibitbit ko hindi ko tuloy masabayan si nanay sa paglalakad. Nauna na ito, habang ako naman ay binibitbit ang mga pinamili namin.

Habang na lingon-lingon ako sa paligid ko hindi ko namalayan na wala na pala si nanay sa unahan ko.

Asan na 'yon?

"Nay!!!!!" Tawag ko dito habang hinahanap ito.

May narinig ako putok ng baril, kaya kinabahan ako lalo dahil baka napano na ang nanay ko.

Wag naman sana.

Nasaan na ba kasi 'yon?

"Naku po! Kawawa naman yung babae." Rinig ko na sabi nung mga taong nag kukumpulan sa harapan ko.

Ano mEron?

At, dahil curious ako sa nangyayari tinignan ko ang mga tinitignan nito. Halos manlumo ako nang makita ko ang nanay ko na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now