Kabanata 3

171 34 1
                                    


"Napadalaw ka, Tara pasok ka!" pag aaya ni mama kay Anelyn na ngayon ay nahihiya pa na pumasok sa bahay namin.

"Wag na po tita, aabot ko lang po itong bigay ni mama na graham sa inyo." walang emosyon na sabi nito.

Kinuha naman agad iyon ni mama at mabilis na pumunta sa kusina kaya kaming dalawa nalang ang naiwan sa pintuan banda.

"Kamusta ka?" Tanong ko dito na ikinangiti-ngiti naman nito ngayon, ngunit para sa akin hindi iyon ang tunay niyang ngiti halatang may kinikimkim ito.

"O-Okay lang syempre! I-Ikaw ba?" balik nito sa akin.

"Parehas lang tayo, okay lang din. Oo nga pala saan ka pala nag-enroll ngayon?" Tanong ko dito na ikinaiwas nito ng tingin sa akin.

Bakit?

"A-Ahh naghahanap pa rin ako ng school na pwede ko p-pasukan." Paliwanag nito na ikinatungo ko na lamang, nalulungkot ako para sa pinsan ko kaya niyakap ko ito ng mahigpit.

"Wag ka mahihiya mag sabi sa akin ha? Nandito lang ako." sabi ko dito bago humiwalay ng yakap dito nakita ko itong ngumiti at tumungo-tungo na ikinagaan ng loob ko.

"Maaa!! Aalis na ako ha?" Sigaw ko habang ang nanay ko ay nasa kusina pa rin.

"O-Oo sige, anak mag-iingat ka ha! Uwi ka agad pag gabi na ha?" Pag papaalala nito.

"Opo ma!"

"Sige na, una na 'ko." Pag palaalam ko kay Anelyn.

"Ingat ka." sagot nito na ikinatungo ko.

Nakababa na 'ko sa bahay ni Ashley ngunit ni anino nito hindi ko makita sa loob.

"Manong Asan po si Ashley?" tanong ko doon sa driver na sumundo sa akin.

"Nasa kwarto pa po niya ata, hintayin niyo nalang po." Tumungo na lamang ako at na upo sa sofa sa sala nila, dahil nga malikot ang mata ko tinignan ko ang paligid ng bahay nila.

Maraming frames at mga glass sa bahay nila, tanaw na tanaw ko ang laki ng pool sa labas at mga halaman. Iniisip ko tuloy kung magkano kaya nagastos nila sa ganitong bahay? Kung susuriin mo ito mukang ang mamahal ng mga gamit dito halatang pang mayaman.

"Hi Sia!!!" Sigaw ni Ashley na ngayon ay nababa sa hagdanan nila, sinalubong ko ito at inalalayan bumababa.

"Ano ka ba? Hindi pa ako lumpo no?" Sabi nito na ikinatawa ko.

"Pinapractice ko lang hahahaha baka kasi." Biro ko dito.

"Loka ka!" natatawang sabi nito.

"Oo nga pala asan sila Natasha?" Tanong ko dito na ikina-irap niya.

"Well to be honest kanina pa sila nandito, lalo na yung bwiset na babaeng 'yon. Usapan 11 am pumunta dito 10 am, Ang kapal talaga mukha!" Nang gigigil na sabi nito sa akin.

"Bakit asan ba siya?"

"She's there, In my cousin room." sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

Ano naman ginagawa sa kwarto ng pinsan nito si Natasha?

Don't tell me n-----

May relasyon sila?

"Ohmygosh."

"Ha? Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Ashley sa akin na ikinabalik ko sa reyalidad.

"A-Ahh wala sab----"

"Hey Ash yung projector gumagana na." Sabi ni Jerome kagrupo din namin, nakita ko na tumungo si Ashley at inaya na ako umakyat sa taas kung saan pwede kami mag practice sa reporting.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now