Kabanata 24

78 9 1
                                    

"Sorry na siz! Bati na tayo!" Pangungulit sa akin ni Ashley habang sinusundan ako nito pabalik ng classroom.

"Sige na bati na tayo!" Nakapout na sabi nito na ikinakagat ko sa aking ibabang labi upang mapigilan ang aking sarili na matawa.

Mukha kasi siyang batA sa ginAgawa niYa.

"Sige na nga."

"Napipilitan ka lang, eh." Nakapout pa rin na sabi niya sa akin na ikinatawa ko.

"Hahaha Oo na nga! Bati na tayo."

At, dahil maayos na kami ulit ni Ashley naisipan nito na kumain sa labas kasama ang step brother ni Clark na si Clint. Kinakabahan tuloy ako dahil baka makita kami ni Clark at mag selos ito dahil kasama namin ang step brother niya.

"Wala ka bang gusto i-order siz?" Tanong sa akin ni Ashley habang kami ay nakapila.

"Kahit ano nalang ako." Sabi ko dito.

"Ano ka ba? Walang kahit ano dito, noh!?" Sabi nito sa akin habang nakahawak pa ito sa braso ni Clint.

"A-Ahmm." Nag-iisip ako ng mga oras na iyon nang makita ko si Zico na sumingit sa pila namin.

"Two chocolate shake and salad. Dine in." Narinig ko na sabi ni Zico doon sa nag te-take ng order na ikinagulat ni Ashley.

"Cous? Hindi ka ba marunong pumila!?" Naiinis na tanong sa kaniya ni Ashley na ikinangisi lamang nito at hindi pinansin.

"Sir, eto na po yung order niyo." Mabilis na sabi nung babae na agad naman kinuha ni Zico ang order nito at lumapit sa akin.

"B-Bakit?"

"Eat with me." Sabi nito bago ako hilahin palayo kila Ashley.

Naisipan nito kumain sa taas kung saan wala masyadong customer. Pinaupo ako nito sa tabi niya at inabot ang pagkain na inorder niya para sa akin. Hindi ko tuloy alam kung paano ako makakapag simula kumain dahil sa sobrang lapit nito sa akin.

"B-Bakit ka pala nandito?" Naiilang na tanong ko dito.

"Kasi nandito ka." Sabi nito na ikinapula na naman ng pisngi ko dahil kinilig ako sa naging sagot nito. Gayunpaman, wala na ako maisip na itatanong kaya nanahimik na lamang ako. Habang tahimik kami na kumakain ni Zico biglang umupo sa harapan namin si Ashley habang hila-hila nito ang step brother ni Clark na mukhang nahihiya ata sa ginagawa sa kaniya ng gf niya.

"Ayos 'to, ah. Double date." Nangiting sabi ni Ashley habang tinitignan kami ni Zico.

"Nga pala nakita ko yung post ni tita."

"Anong meron? Bakit parang dini-date mo yung kaibigan ko ng hindi ko alam?" Tanong ni Ashley kay Zico na ngayon ay ngumingisi lang sa tabi ko.

"Hindi mo na kailangan malaman pa." Sabi nito habang nakain ng salad niya.

"Pero kayo! May dapat malaman!" Pag iiba nito ng usapan na ikinapukaw ng atensyon namin ni Zico.

AnO naman 'Yon?

"Guess what?"

"Kami na!" Kinikilig na sabi nito habang niyayakap ang braso ng step brother ni Clark na ngayon ay namumula na dahil sa kahihiyan sa girlfriend niya.

"Right, babe?" Tanong nito dito na ikinapikit ko nang mariin at ikinayuko.

Bigla ata sumakit ang ulo ko dahil sa kaharutan ni Ashley sa jowa niya.

"Y-Yes."

Pero bigla ko naisip si Clark.

Paano naman siya?

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now