Kabanata 26

75 8 3
                                    

"Sia!" Rinig ko na sigaw ni Zico sa labas ng bahay namin habang kumakatok sa aming pintuan.

"Saglit lang! patapos na!" Sigaw ko dito habang inaayusan ang aking sarili.

Ang totoo niyan kinakabahan ako sa suot ko ngayon, birthday kasi ni Ashley at sigurado ako na maraming invited na mayayaman sa birthday niya. Kaya nag da-dalawang isip tuloy ako sa suot ko. Inorder ko lang kasi ito sa online dahil nahihiya ako mag palibre kay Zico nung nakaraang araw, kaya naman eto ako ngayon nakatingin sa salamin namin tinigtignan ang sarili.

"Ang panget talaga, eh." Nagmamaktol na sabi ko sa sarili ko ng makalabas na ako ng kwarto.

"Maganda." Halos magulat ako nang makita ko si Zico na nakasandal sa pintuan namin. Nakalong sleeve ito na itim at naka itim din na pants na mas lalong nakahubog ng atensyon ko dito.

POta!

BakiT anG poGi?

"M-Mukha naman ako katulong sa suot mo." Nahihiyang sabi ko dito habang tintignan ang suot ko na pi-pitsugin na dress lamang na kulay itim.

"Hahaha your wrong." Natatawang sabi nito habang may kinukuha sa bulsa nito na mukhang susi ata ng kotse niya.

"You look beautiful sa suot mo." Nakangiti na sabi nito bago ako tinalikuran at pinagbuksan ng pinto ng kotse nito. Saglit ako napatigil at napatingin sa Side mirror ng kotse nito pakiramdam ko tuloy lahat ng foundation ko nailagay ko sa mukha ko sa sobrang pula nito.

"O-Oo nga pala, hindi ako nakapag paalam kay tatay na aalis ako." Pag iiba ko ng usapan ng makapasok ito sa kotse niya.

"Huh? Why?"

"Wala siya sa bahay, eh." Sabi ko dito na ikinatungo na lamang niya.

Nang makarating na kami sa hotel, nakita ko kaagad si Ashley na nakikipag-usap sa ibang mga bisita niya. Nakasuot ito na fitted na pulang dress habang ang labi nito ay pulang-pula rin.

"Ash." Tawag ko dito ng makalapit ako dito na ikinatingin naman agad nito sa akin.

"Excuse me." Sabi nito sa mga kausap niya kanina na mukhang mga kaklase niya noon.

"Happy birthday." Bati ko dito habang inaabot ang regalo ko dito.

"Salamat at pumunta ka." Nakangiting sabi nito habang kinukuha ang regalo sa akin.

"Bakit naman hindi?" Singit ni Zico na ngayon ay nasa likuran ko.

Bigla tuloy napabalik-balik ang tingin sa amin ni Ashley at napapa tingin sa suot namin. Napakunot noo na lamang ako ng tusukin nito ang bewang ko gamit ang isang daliri niya.

"Same black, ha?" Pang-aasar nito na ikinapula ng pisngi ko.

"N-Nagkataon lang." Nahihiyang sabi ko dito na ikinangiti lamang nito sa gilid ko.

"Sia." Tawag sa akin ni Zico na ikinatingin ko naman agad dito.

"Kumain kana ba?" Tanong nito na ikinapula lalo ng pisngi ko.

"O-Oo, kum- "

"Asus, kunyare ka pa. Alam naman namin na 'di ka kumakain kapag 'di kami kasama." Panghihimasok ni Ashley sa usapan namin ni Zico.

"Kaya wag kana mahiya."

"Anyway, Cous. Pakainin mo na 'yan" Natatawang sabi nito bago kami iniwan ni Zico na ikinangisi naman nito sa tabi ko.

"Tara?" Aya sa akin ni Zico habang kinukuha ang isang kamay ko, na ikinabilis ng tibok ng aking puso. Sapagkat, naramdaman ko ang palad nito na dumikit sa palad ko.

Unloving you (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora