Kabanata 29

56 6 0
                                    

"Ayoko pumasok." Sabi ko kay Clark habang tinutulungan ako nito mag linis ng bahay.

"Sige, pero malapit na finals natin. Onti nalang gra-graduate na tayo." Sabi nito na ikinatungo ko. Mabuti naman at ganon atlis wala ng rason para makita ko yung lalaking kinakamuhian ko.

"S-Saan ka naman pala mag-aaral ng college? Doon pa rin ba?" Tanong ko dito habang nag pupunas ng lamesa namin.

"Hindi na." Sagot nito na ikinatigil ko sa pag pupunas.

"Bakit hindi? 'Di ba yung kuya mo doon nag-aaral ngayon? Bakit lilipat ka pa?" Tanong ko dito na ikinalingon niya sa akin, kaya napatigil ako sa pag pupunas ng lamesa at napatingin din dito.

"Mag kaiba kami ni Clint at ayoko umasa sa tatay ko. Ayoko dumating sa point na nanghihingi ako ng tuition sa kaniya."

"Kaya ko buhayin sarili ko pati si mama. Hindi ko kailangan ng tulong niya." Sabi nito na ikinangiti ko nang malaki. Mabuti pa si Clark at naiisip ang bagay na iyon. Lalo ako humanga sa katapangan na mayroon ito. Iniisip ko tuloy kung bakit hindi siya magawang gustuhin ni Ashley.

"Oo nga pala eto yung mangga na pinapabili mo sa akin." Sabi nito habang nilalabas sa bag niya ang mangga na pinabili ko dito. Kuminang ang mata ko nang makita ko na hawak-hawak niya iyon. Mabilis ko kinuha iyon sa kaniya at dali-dali na umupo sa upuan namin sa sala.

"Salamat!" Nangiting sabi ko dito habang sinasawsaw ko ang mangga sa bagoong. Halos hindi ako makapaniwala na naubos ko iyon ng kalahating oras maski si Clark ay nagulat din nang makita niya na wala ng laman ang kinakain ko.

"Gagi ka! Hindi mo man lang ako tinirhan?" Sabi nito bago umupo sa tabi ko.

"S-Sorry. Masarap kasi, ih." Sabi ko dito na ikinatawa lang nito.

"Baliw. Okay lang, binibiro lang kita. " sabi nito habang na tawa sa tabi ko.

"Ang bully mo." Nakangusong sabi ko dito na lalo ikinalakas ng tawa nito.

Napatigil kami ni Clark sa pag tatawanan ng may narinig kami na kumakatok sa pinto, kaya napatayo agad ako at binuksan ang pinto.

"Hi Sia." Bati sa akin ni Anelyn na ngayon ay nasa harapan ko. May bitbit ito na libro na mukha atang may balak ito na ayain ako na mag-aral.

"Hala! May tao pala... Sige next time na lang." Sabi nito nang makita nito si Clark na nasa likod ko.

"HHAHAAHAHHA Ano ka ba!? Okay lang! Hindi naman tao 'yan." Tumatawang sabi ko dito habang na lingon kay Clark na ngayon ay nasa likod ko at mukhang pikon na pikon sa sinabi ko.

"Kumakahol lang 'yan pero 'di nangangagat 'yan." Natatawang sabi ko dito na ikinatawa rin ni Anelyn sa harapan ko.

"Anyway, Anelyn ito nga pala yung aso namin...ay este.... kaibigan ko si Clark." Pakilala ko dito na mas lalong ikinalakas ng tawa nito.

"Ginawa mo pa akong aso. Hayop ka." Pikon na sabi nito na ikinatawa ko lalo nang malakas.

"Hahahhaha Nice meeting you po Kuya." Magalang na bati ni Anelyn dito na ikina usok lalo ng ilong ni Clark dito.

"K-kuya? Kapatid ba kita ha?" Naiinis na sabi ni Clark dito na lalo ikinalakas ng tawa ko.

"Edi manong nalang." Naiinis na sagot no Anelyn dito habang iniirapan ito.

"Choosy ka pa buti nga kuya pa tawag ko sa iyo." Dagdag nito.

Halos kabagin ako kakatawa ng araw na iyon lalo nang makita ko si Clark at Anelyn na magkatabi sa upuan namin. Hindi nag uusap ang dalawa dahil inis sila sa isa't isa, kaya naman naisipan ko na mag timpla ng juice muna para sa kanilang dalawa. Gayunpaman, habang hinahalo ko ang aking tinitimpla bigla ako nakaramdam ng hilo dahilan kung bakit bumagsak ako sa sahig at nawalan ng malay.

Nagising na lamang ako nang maramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Dali-dali ko binuklat ang mata ko at nakita ko agad ang nag-aalalang mukha ni Anelyn.

"Buti naman gising kana, pinag-alala mo kami." Nag aalalang sabi sa akin ni Anelyn habang tinutulungan ako nito bumangon sa pagkakahiga sa higaan namin. Lumapit sa akin agad si Clark nang makita ako nito na gising na. Inabutan din ako nito ng tubig at ininom ko 'yon agad.

"Sorry... H-Hndi ko alam na mawawalan ako ng malay kanina." Nahihiyang sabi ko sa mga ito.

"Okay lang, magpahinga ka muna." sabi nito na ikinangiti ko habang hinahawakan ang kamay nito na nakapatong sa braso ko.

"O-Oo nga pala kailangan ko na umalis Sia. Anong oras na rin kasi, ih. " Sabi nito na ikinatingin ko sa bintana namin. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko na madilim na.

Sobrang tagal ko naman ata nagising.

"Una na ako, Sia." Paalam nito ikinalingon ko dito at ikinatungo.

"Hatid na kita." Alok ni Clark dito na ikinailing nito agad.

"Hindi na. Salamat na lang. " Pagtatanggi nito dito bago umalis sa harapan namin ni Clark.

"Masungit ba talaga 'yon?" Curious na tanong ni Clark sa akin.

"Hindi naman. Sa iyo lang ata." Natatawang sabi ko dito habang inaalalayan ako nito umupo sa higaan.

"Oo nga pala gabi na. Umuwi kana rin anong oras na." Sabi ko dito.

"Hindi ako uuwi hanggat hindi mo sasagutin itong tanong ko." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

Ano naman iyon?

"A-Alam natin pareho na may nangyari sa inyo Zico."

"K-Kaya gusto kita tanungin kasi maski ako hindi makampante."

"S-Sige ano 'yon?" nauutal na tanong ko rito.

"B-Buntis ka ba?" Tanong nito na ikinagulat ko.

Bigla nag sink in sa utak ko ang lahat-lahat na nararamdaman ko ngayon. Halos pawisan ako ng malamig nang maalala ko na hindi nga rin pala ako dinatnan nitong buwan na ito.

Hindi kaya...

"Sinong buntis?" Halos kumalabog ang puso ko nang makita namin pareho ni Clark si tatay na nakatayo sa pintuan ng kwarto.

"Tay.."

"Asan ang lalaking 'yon?" Galit na tanong nito sa akin.

"ASAN!?" Sigaw nito na ikinatakip ko sa dalawang tenga ko. Hindi ko alam and sasabihin kay tatay, kaya naman napayuko na lamang ako at napapikit ng mata.

"TAY!" tawag ko dito nang maglakad ito palabas ng bahay. Susundan ko sana ito ngunit hinarangan ako ni Clark at pinaupo ulit sa kama.

"Ako na bahala. Magpahinga kana diyan." Sabi nito bago ako nito iniwan mag-isa sa bahay. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at napahagulgol nang malakas.

"Kasalanan mo 'to Sia.. Kasalanan mo." Sabi ko sa sarili ko habang inuuntog ang ulo ko sa pader.

-------------------------------------

- Padayon 💓

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now